NAKAHANDA ang iba’t ibang munisipyo ng rainwater harvesting tank sa lalawigan ng Ilocos Norte upang malabanan ang matinding epekto ng El Niño sa bansa.
Ang rainwater harvester ay nakatutulong upang makaipon ng tubig mula sa ulan. Nitong mga nakaraang araw, may pabugso-bugso pa ring pag-ulan kahit damang-dama na ang init ng panahon kasabay ang pagbitak ng mga lupa.
Sa bayan naman ng Piddig, hindi problema sa kanila ang pagkukulang ng tubig dahil mayroon na silang malaking dam, ang Abucay impounding dam.
Ginawa ito ng local na gobyerno ng Piddig sa pamamagitan ng pondo mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, na kung tag-ulan ay nakalilikom ito ng libo-libong metro kubiko at pinapakawalan ito tuwing tag-init.
Dahil dito, hindi masyadong naabala ang mga magsasaka sa bukid, maliban na lamang sa mga mangingisda na may mga fish pond sa kani-kanilang bayan.
Comments are closed.