RAKET SA DISINFECTION AND SANITATION PIPIGILAN NG PNP

Sanitation

CAMP CRAME- IBINULGAR  ng  Philippine National Police (PNP) ang modus operandi ng mga mapagsamantala sa umiiral na coronavirus disease outbreak sa bansa para pagkakitaan pa .

Kahapon ay naglabas ng babala ang PNP- Joint Task Force-COVID  shield sa publiko laban sa tinatawag na “disinfect and sanitation” scams kasunod ng   coronavirus disease (covid-19) crisis.

Ayon kay TF-CV  shield commander, P/Lt. gen. Guillermo Eleazar, ang national government at mga local government units lamang ang maaaring gumawa ng nasabing mga hakbang.

Kasabay nito ay hinikayat din ng PNP ang publiko na agad i-report sa mga otoridad lalo na ang mga indibidwal na nagsasagawa ng disinfection and sanitation kapalit ng pera. VERLIN RUIZ

Comments are closed.