RALIYISTA BANTAY SARADO

RIZAL- BANTAY sarado ng Rizal PNP ang mga lagusan ng mga raliyista kahit ilang araw nang tapos ang halalan.

Ito ang mahigpit na kautusan ni Rizal PNP Provincial Director Col. Dominic Baccay sa kanyang chiefs of police sa 13 bayan at isang lungsod.

Sa isang virtual press conference ng Rizal PNP kahapon, sinabi ni Lt. Mariesol Tactaquin, Rizal PNP Public Information Officer (PIO), tuloy pa rin ang mahigpit na monitoring lalo pa umano at may mga grupo o kandidato na hanggang ngayon ay hindi umano tanggap ang pagkatalo.

Aniya, may kaugnay ito sa banta ng ilang grupo na nagsasagawa o magsasagawa ng mga kilos protesta sa Maynila.

Dagdag nito, pangunahing binabantayan ng mga awtoridad ang boundary ng Rizal na lusutan ng mga raliyista mula Bulacan, Laguna, Quezon atbp.

Aminado ang pulisya sa 13 bayan at isang lungsod na maraming entry points silang binabantayan para sa patuloy na peace and order at seguridad.

Gayunpaman, sa laki umano ng mga lugar na binabantayan ng mga ito ay siya naman kaunti ng kanilang mga mobile car na ginagamit sa pagpapatrolya.

Kaya’t, hiling ng Rizal PNP, madagdagan pa ang mga mobile car o mobil Patrol para sa mabilis na pagresponde sa mga tawag ng emergency.

Ayon naman kay Baccay, generally peaceful ang katatapos na eleksyon hindi lamang sa lalawigan kundi halos sa buong bansa. ELMA MORALES