(Raliyista kusang nag-disperse) LABOR DAY MAPAYAPA-PNP

PANGKALAHATANG mapayapa ang pagdiriwang ng Labor Day kahapon.

Ito ang naging pagtaya ng Philippine National Police (PNP) kasabay ng deployment ng halos 60,000 pulis sa buong bansa.

Sinabi ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, walang anumang untoward incident na naitala ang mga nagbantay na pulis kaugnay sa katatapos na selebrasyon habang nagpasalamat din sila sa kusang loob na dispersal ng mga nagkilos protesta

Sa datos, umabot sa 59,587 na mga pulis ang idineploy sa buong bansa para masiguro at maayos at payapang aktibidad.

“Malinaw ‘yung paalala ng ating chief pnp si gen. Benjamin acorda jr sa ating mga field commanders na maging mahinahon at malamigang ‘ulo, yung ating ipinatutupad na maximum tolerance ay ‘yun pa rin ang policy na ating ipinatutupad sa ngayon,” ayon kay Fajardo.

Bandang tanghali kusang loob na nag-disperse ang mga nagprotesta mula sa iba’t ibang lugar Gaya sa Cavite.

Umabot naman sa 2,000 ang sumama sa kilos protesta sa Maynila na maaga ring tinapos ang kanilang programa.

“Wala naman tayong naitala na any untoward incident, yung ating pagmamanage ng trapiko ay maayos din naman at nagpapasalamat din tayo doon sa mga kababayan natin na nag-rally at sila mismo ay nakipag usap sa atin at pinayagan naman natin sila magphayag ng kanilang damdamin and sabi ko nga so far may mga mangilan-ngilan pa tayo na namomonitor but ‘yung karamihan dito ay mga bandang tanghali ay tinapos na rin nila’ yung kanilang mga activities,” dagdag pa ni Fajardo.

Bukod sa mga lugar ng kilos-protesta binantayan din ng pulis ang mga pangunahing kalsada, terminal at mga tourist destination sa bansa dahil na rin sa long weekend

Nilinaw din ng PNP na wala silang natanggap na espisipikong banta sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa.EUNICE CELARIO