HONG KONG – DAHIL sa pangamba na matamaan ng novel coronavirus (nCov), maging ang mga raliyista o mga pro-democratic protester ay hindi itinuloy ang kanilang kilos protesta sa naturang Chinese territory.
Kaya naman tahimik ngayon sa mga kalsadang madalas pinagkukutaan ng mga raliyista.
Hanggang sa hindi pa humuhupa ang banta ng nasabing sakit ay wala munang scheduled rally ang mga ito.
Aniya, maikokonsiderang mas nakatatakot ang banta ng nCoV kumpara sa mga kaguluhan sa gitna ng kilos protesta na halos nagsimula pa noong isang taon.
Kung maalala, kamakailan lamang ng itaas ng Hong Kong ang highest emergency response bilang isa sa mga lugar na kalapit ng China na unang nag-originate ang nasabing sakit.
Samantala, maging ang lumiit na bilang na overseas Filipino workers ay bihira na ring lumabas bunsod ng nCoV scare. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.