NAGKAROON ng rambulan sa practice ng San Miguel Beer noong Linggo ng umaga sa pagitan ng mga local player, Fil-Am player at ng import na si Dez Wells. Pinalitan si Wells ni John Holland, na nabigong magpa-impress sa laban nila against Rain or Shine noong Nov. 9, kung saan tinalo sila ng tropa ni coach Caloy Garcia sa out of town game sa Cebu City, 91-85.
Ang malaking katanungan ay bakit nandito pa si Wells sa bansa at kasama pa sa practice ng SMB? Dahil sa nangyari kina Wells at Arwind Santos na pinagmulan ng away, posibleng napauwi na ang una. Nagkapikunan sa scrimmage ang dalaw kung saan ‘di sinasadyang nabangga ni Santos ang kanilang import na natumba sa sahig. Nagkasagutan ang dalawa at mabilis namang naawat ang mga ito. Ilang sandali lang, biglang sinuntok ni Ronald Tubid si Wells bilang pagtatanggol sa kaibigan na si Santos. Muli na namang sumiklab ang gulo kung saan ipinagtanggol naman ni Kelly Nabong si Wells at sinuntok nito si Tubid. Kampihan na sina Terrence Romeo, Tubid at Santos, habang sumawsaw na rin si Chris Ross sa kapwa foreign blood.
Very disappointed si June Mar Fajardo na magsi-celebrate sana ng kanyang 30th birthday with his fans sa practice. Pinababa ang fans sa gym upang walang makapag-video sa nangyaring kaguluhan. How true na nalaglag sa hagdanan si Tubid dahil nasuntok rin ito ni Nabong. Ang tanong, anong kaparusahan ang ipapataw sa mga sangkot sa gulo?
Naging magandang regalo ang pagkapanalo ng Rain or Shine laban sa Meralco noong nakaraang linggo kay Ping Exciminiano na nagdiwang ng kaarawan at anniversary nilang mag-asawa. Gayunman ay nawalan ng saysay ang pagkapanalo ng Elasto Painters dahil nagwagi ang NorthPort Batang Pier kontra sister team na Ginebra. Na-out ang RoS. Kung natalo ang Batang Pier ay makikipag-playoff sana sila sa Columbian Dyip. Any-way happy birthday at happy anniversary kay Ping at sa kanyang wife na si Elga Exciminiano.
Comments are closed.