RAMBUTAN: PUWEDE RING GAWING ULAM

RAMBUTAN

(ni CYRILL QUILO)

SA FILIPINAS, may iba’t ibang klase ng prutas lalo na kung panahon ng summer. Iba’t ibang bungang kahoy ang namumunga na kinahihiligan ng marami sa atin.

Mayaman ang Filipinas sa iba’t ibang klase ng prutas. Pero ang prutas ay pana-panahon din. Ngayong simula na ng “ber months”, napapanahon na ang rambutan.

Bagaman at ito ay isang dayo, masuwerte tayo at tumubo ito sa ­ating bansa. Ang rambutan ay isang tropical fruit na nagmula sa Indonesia, Malaysia at iba pang parte ng Southeast Asia.

Sa Filipinas, halos katulad ito ng atsuete dahil sa mabalahibong bu­nga nito. Sa ibang bansa, ito ay kahalintulad ng lychee at longgan. Makatas, matamis at masarap ang lasa.

Mayaman sa fiber ang rambutan. May mataas na taglay rin itong Vitamin C na nakatutulong para mapalakas ang immune sys-tem. Magaling at mabisa rin itong antioxidant, may collagen, manganese, copper, potassium, magnesium, Vitamin B1, B2 at B3, Phosphorus, Calcium at Zinc.

Nakatutulong din ito sa may problema sa reproductive system at abnormalities sa skeletal system dahil sa pagbuo ng cartilage at buto. May anti-fungal din ito.

Kahit na ito ay matamis, mababa naman ang kanyang fructose o fruit sugar ng naturang prutas.

Hindi lang pakwan ang lubos na sumikat  na maaaring gamiting pansahog sa iba’t ibang lutuin o recipe. Gayundin ang rambu-tan.

Sa Forest Wood Garden sa San Pablo City ay naghahain ng kakaibang putaheng rambutan  gaya ng adobo, kinilaw, ensalada, pinaksiw, jelly at shake.

Kakaibang putahe tuwing sasapit ang panahon ng prutas sa Filipinas. Mayroon ding napakagandang ambiance ang lugar dahil animo’y nasa isa kang gubat. Perfect itong kainan ng mga mahilig sa gulay at nature lover.

Isa na ang rambutan sa mga prutas na maa­aring gawing ulam gaya ng mga sumusunod:

KINILAW NA RAMBUTAN

Unang-una ang kinilaw na rambutan. Kakaiba sa pangalan pa lang. Pero masarap at simple lang itong gawin.

Ang kailangan lang gawin ay balatan ang rambutan saka tadtarin ito. Lagyan ng tinadtad na bawang, sibuyas, asin, paminta, luya at si­ling labuyo.

Ganoon lang kasimple at mayroon ka nang kinilaw na rambutan.

ADOBONG RAMBUTAN

Ikalawa ang adobong rambutan. Sikat na sikat nga naman ang adobo. Pero hindi lamang manok, karne at balut ang puwedeng gawing adobo kundi maging ang rambutan.

Tadtarin lang ang rambutan. Pagkatapos ay igisa ang bawang at sibuyas.

Ilagay ang rambutan. Lagyan ng toyo, balsamic vinegar, oyster sauce, bay leaves, salt at pepper.

PINAKSIW NA RAM­BUTAN

Pangatlo ang pinaksiw na rambutan. Masarap din ang lasa nito kagaya ng adobong rambutan at kinilaw na rambutan. Kaya’t masarap itong balik-balikan lalo na kapag natikman.

Ang mga sangkap nito ay ang bawang, sibuyas, luya, siling haba, asin, paminta at vinegar.

RAMBUTAN SHAKE

Hindi na nga naman mabilang ang mga shake na nagkalat sa paligid. Talaga nga namang isa ang shake sa kuhang-kuha ang pan-lasa ng Pinoy. Mayroon din itong iba’t ibang flavor na maaaring pagpilian.

At ngayon nga, isa pa sa maaaring gawing shake ang rambutan. Sa lasa pa lang nito, mapauulit ka talaga sa sarap.

Maraming lutuin ang nadidiskubre sa panahon ngayon. At sa iba’t ibang pagkain o putaheng nadidisku-bre ng marami sa atin, pinatutunayan lang nitong talagang madiskarte at maabilidad tayong mga Filipi-no.

Comments are closed.