FRIED rice ang isa sa pinakamadaling lutuin lalo na kapag nagmamadali ang marami sa atin. Isa ito sa mga paborito ng mga Pinoy mapa-agahan man o merienda. Mayroon itong iba’t ibang sangkap na patok sa panlasa natin.
Maraming sangkap ang puwedeng gamitin sa pagluluto ng fried rice. May ibang simpleng fried rice. Sa simpleng fried rice, kailangan lang magsalang ng kawali, lagyan ito ng maraming bawang saka isunod ang kanin at timplahan ng asin.
Ang ilan naman, nilalagyan ang fried rice ng isda. O kaya naman giniling. May ibang tirang adobo ang ginagamit o ipinansasahog sa fried rice. Bukod din sa karne, swak ding isama sa fried rice ang iba’t ibang gulay gaya na lang ng kangkong.
At dahil mahilig tayo sa fried rice, isa pa sa puwede nating subukan ang Ramen Fried Rice.
Ang Ramen fried rice ay mas madaling lutuin. Masarap. Madaling lutuin. Swak sa bulsa.
Kaya’t sa mga nagnanais itong subukan, narito ang mga sangkap at paraan ng pagluluto.
Mga Sangkap:
1 pack ng pork flavoured ramen noodles
½ dosena ng peas
2 itlog
1 kutsarita ng sesame oil
1 pinch ng white pepper
1 kutsarita ng peanut oil
4 tinadtad na sibuyas
1 kutsarita ng tinadtad na bawang
½-1 baso ng hinating tofu/karne/baboy
Paraan ng pagluluto:
Sa isang malaking bowl, ilagay ang noodles. Budburan ng seasoning, ilagay ang kumukulong tubig at takpan.
Haluin at hayaan lamang ang noodles habang naghahanda sa ibang sangkap.
Hugasang mabuti ang peas sa mainit na tubig. Pagsamahin ang itlog, sesame oil at paminta. Itabi.
Mag-stir-fry ng sibuyas at bawang sa loob ng 30 segundo. Idagdag ang karne, tofu, o baboy at iprito ulit sa loob ng isang minuto.
Patuluin ang noodles at idagdag sa mga napritong sangkap. Haluing mabuti saka timplahan ng soy sauce.
Ilagay ang itlog sabay halo hanggang sa ito’y maluto. Ganoon lang kasimple at puwede nang ihanda at pagsaluhan ng buong pamilya. (photo mula sa tastemade.com). KAT MONDRES