Ramirez ginawaran ni PRRD ng Presidential Medal of Merit

IGINAWAD ni Presidente Rodrigo Duterte ang Presidential Medal of Merit kay

Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa isang simpleng seremonya sa Malacañang nitong Huwebes.

Kasama ang ilang miyembro ng Gabinete at heads ng mga ahensiya, tinanggap ni Ramirez ang award mula sa Pangulo para sa kanyang walang kapantay na trabaho bilang sports agency chief.

Pinasalamatan ni Ramirez si Duterte para sa oportunidad na pamunuan ang PSC at maging bahagi ng team ng Pangulo.

“The President asked me, Butch, how long have you been with me? I realized I have worked with him for more than 15 years in different capacities,” sabi ng nag-iisang two-term PSC chief.

“When one works in government he goes about his work because it is his responsibility and commitment. I did not expect this,” pagbabahagi ni Ramirez, na inialay ang award sa mga atleta, coach at PSC employees.

Ang Presidential Medal of Merit ay itinatag noong 1949 at iginagawad ng Presidente ng Pilipinas bilang pagkilala sa karapat-dapat na mga tagumpay at serbisyo.CLYDE MARIANO