RAMIREZ SA PSA FORUM

William Ramirez

MAGIGING special guest si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon  sa Amelie Hotel-Manila.

Inaasahang tatalakayin ni Ramirez ang mga paghahandang isinasagawa ng bansa para sa hosting ng 30th Southeast Asian Games sa kanyang kapasidad bilang Chef De Mission ng Team Philippines, gayundin ang iba pang bagay sa sports bilang head ng PSC.

Makakasama ni Ramirez sa 10:00 a.m. session na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang mga miyembro at opis­yal ng newly-crowned PBA D-League Foundation Cup champion BRT Sumisip Basilan-St. Clare.

Hinihikayat ang mga PSA member na dumalo sa session na naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, 1-2 p.m. at 6:30 p.m.

One thought on “RAMIREZ SA PSA FORUM”

Comments are closed.