RAMON ANG HUMINGI NG TAWAD SA INSIDENTE SA SKYWAY

RAMON ANG-2

PERSONAL na humingi ng tawad si San Miguel Corporation  president and chief operating officer Ramon Ang  sa nangyaring pagbagsak ng steel girder sa ginagawang Skyway extension project sa Muntinlupa nitong Sabado.

Sa isang statement, sinabi ni Ang na may responsibilidad din ang kanilang kompanya sa mga biktima bilang proponent ng proyekto at tiniyak  nito ang  tulong sa pamilya ng mga biktima ng aksidente.

“Even with a contractor handling construction, ultimately, we are responsible for the welfare of those who were affected. I would like to personally apologize to the victims and their families, as well as to our larger community in Muntinlupa,” ani Ang.

Isa ang patay at apat ang sugatan nang mag-collapse ang steel girder sa isang bahagi ng Metro Manila Skyway Stage 3 Project site sa East Service Road, Brgy. Cupang.

May limang sasakyan din ang nawasak  sa aksidente kabilang  ang isang taxi, van at AUV, at dalawang motorsiklo.

“I have not stopped thinking about the people who were affected, the 4 that were injured and most especially the person who perished, and his family. There are no words that can ease the grief of losing a loved one,” dagdag pa ng business tycoon.

Una nang nangako ng imbestigasyon ang SMC, kasama ang contractor na EEI Corporation sa aksidente.

“We are working with authorities to determine the root cause of this incident. We will find out where lapses and do whatever is necessary to help make sure they don’t happen again,” pahayag pa ni Ang.

Comments are closed.