NANALASA ang Bagyong Ramon sa Northern Cagayan.
Ayon sa 11am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 160 kilometers East North East ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay na nito ngayon ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito pa-Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.
Kasama naman sa nakatikim ng hagupit ng bagyo ang Cagayan kasama ang Babuyan Islands; northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfino Albano, Tumauini at Divilacan); Apayao, Kalinga, northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Burgos, Bangui, Dumalney at Adams, Signal no. 1 naman Batanes, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Mountain Province, Ifugao, Northern Aurora, partikular sa Dilasag, Casiguran at Dinalungan at nalalabing bahagi ng Isabela.
Samantala isang Low Pressure Area (LPA) pa ang binababantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Huli itong namataan sa layong 1,605 kilometers Eeast ng Eastern Visayas.
Inaasahan itong papasok ngayong araw sa bansa at magiging isang ganap na bagyo. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.