Ramón Valera y Oswalds ang pangalan ng kauna-unahang designer na Filipino na kinilala sa Pilipinas at sa ibang bansa. Isinilang siya noong August 31, 1911 sa Bangued, Abra, lumaki at nag-aral sa Pilipinas. Ang kanyang mga magulang ay sina Melecio Valera at Maria del Pilar Oswalds, at nagtapos siya ng Education sa De La Salle.
Ginawaran siya ng National Artist of the Philippines honor noong 2006. Siya ang kauna-unahang Filipino fashion designer na nakatanggap ng ganitong pagkilala.
Noong 2017, nagkaroon ng exhibit para sa kanya sa De La Salle-College of St. Benilde’s School of Design and Arts Gallery, na tinawag na Valera and the Modern: An Exhibit on the Life and Work of National Artist for Fashion Design, Ramon Valera. Pinangunahan ito ni Gerry Torres.
Ang mga gowns na design ni Valera ay isinoot ng mga kilalalang magagandang Filipina tulad nina Gloria Romero, Barbara Perez at Imelda Marcos.
Disenyo ni Valera ang one-piece terno na may zipper sa likod. Binago rin nita ang image ng damit ni Maria Clara sa pagdadagdag ng tiffened bell sleeves. Ginawa rin niya itong Magandang wedding gown. Namatay siya noong May 25, 1972 ngunit nananatiling buhay ang kanyag alaala. NLVN