RAMOS ‘OUT’ SA FIBA OLYMPIC QUALIFIER

on the spot- pilipino mirror

HINDI makakasama si Dwight Ramos sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa FIBA  Olympic Qualifying Tournament sa Bel-grade, Serbia dahil sa groin injury.

Pilit na sumasama ang player ngunit ayaw siyang payagan ni coach Tab Baldwin. Baka kasi lumala pa ang kanyang injury. Sayang  naman kung hindi makakalaro si Ramos, malaking bagay ang Fil-Am player sa national team natin. Sana ay may kapalit si Dwigth na kasing husay niya.



Naku, delikado ang PBA at Gilas Pilipinas dahil nire-recruit na ng Japan B. League ang mahuhusay nating players. Naglalakihan pa naman ang  sahod na ibinibigay ng mga team sa B. League.

Kaya itong si Thirdy Ravena ay parang ayaw nang umuwi ng Pinas at ayaw na yatang maglaro sa professional league. Pati si Kiefer ay nagka-interest na sundan ang nakababatang kapatid sa Japan upang maglaro rin doon bilang import  . Suportado nga si Kiefer ng MVP Group ngunit ang problema ay ang PBA na ayaw payagan si Kiefer dahil nga may  natitira pa itong two-year contract sa  kanyang team na NLEX Road Warriors na kailangan niyang tapusin.

Hindi kaya ang mga collegiate player ay magsipaglaro na rin sa Japan B. League? Pati ang Korean Basketball League ay nagre-rectruit na rin ng mga Pinoy  player sa bansa upang gawing import nila doon.

Posible ito lalo na ngayon na wala pa ring kasiguruhan kung magsisimula na ang 46th season ng PBA sa darating na July 15. Abangan na lang natin.



Panay na ang labas ng wife ni Scottie Thompson sa mga vlog ngayon. Maganda pala si Jingly Serrano, at hindi lang siya local flight stewardess kundi international.

Saka matagal na palang alam ng mga magulang ni Serrano ang tungkol sa relasiyon nila ng Ginebra player. Pero hindi alam ng parents ni Mrs. Thompson na ikinasal na sila ng basketbolista. Suwete sa isa’t isa sina Scottie at Jingky na mahilig sa negosyo. Congrats sa inyong dalawa. Kayo talaga ang magkatadhana.

65 thoughts on “RAMOS ‘OUT’ SA FIBA OLYMPIC QUALIFIER”

  1. Some are medicines that help people when doctors prescribe. drug information and news for professionals and consumers.
    ivermectin 1mg
    Drugs information sheet. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

  2. Some are medicines that help people when doctors prescribe. Actual trends of drug.
    ivermectin 50
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Read information now.

  3. Commonly Used Drugs Charts. Best and news about drug.
    cialis usa
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Get here.

Comments are closed.