RAMPA SA CHERRY BLOSSOMS

Cherry Blossoms

RAMDAM na ang simoy ng Kapaskuhan sa isang kilalang hotel sa Ermita, kasunod ng matagumpay nitong paglulunsad ng isang Holiday Fashion Show na pinagbidahan ng iba’t ibang kilalang personalidad sa industriya ng fashion design sa bansa, nitong nakaraang Biyernes ng gabi, Agosto 31.

Sampung naggagan­dahang dilag kasama ang dalawang makikisig na modelong lalaki ang rumampa sa Rosal-Daisy Hall ng Cherry Blossoms Hotel upang ibandera ang gawang obra na mga damit at dress ng pitong kilalang fashion designers na sina Nardie Presa, Albert Fontanilla, Benhur Dychangco, Joel Rosales, Carl Arcusa, Dan Cadiz at Frhyne Danan. Sila ay pawang mga miyem-bro ng Fashion Designers Association of the Philippines (FDAP).

Ayon kay Len Santos, General Manager ng hotel, sadyang natatangi ang ginawang fashion show na ito dahil hindi lamang nito ibinabandera ang mga naiibang obra ng kilalang fashion designers sa bansa, sumasailalim din ito sa mga kaabang-abang na kasuotan o tinatawag na ‘Outfit of the Day’ o OOTD para sa publiko sa nalalapit na Kapaskuhan.

“In this second round of Fashion Show, we have showcased the masterpiece of our famous fashion designers and their Holiday and Christmas Collections. We intend to promote not just our dear Cherry Blossoms hotel, but also to give tribute to our creative minds in the fashion industry,” ani Santos.

Kasabay naman ng nasabing fashion show ay ni-launch ni Santos ang kanilang Ambassadors Club Membership card na bukas sa publiko at kanilang VIP guests upang makapag-avail ng iba’t ibang promo at naiibang mga serbisyo ng Cherry Blossoms Hotel. Maaaring magtungo ang publiko sa www.cherryblossomshotel.com.ph para sa karagdagang impormasyon o tumawag sa +63-2-7089901 at +63-2-3108837.

Cherry Blossoms
CHERRY BLOSSOMS HOLIDAY FASHION SHOW. Masayang binati ni D. Edgard Cabangon, Chairman ng ALC Media Group at President ng City State Tower Hotels ang mga kilalang fashion designers at kanilang mga modelo na lumahok sa matagumpay na Holiday Fashion Show na ginanap sa Cherry Blossoms Hotel, sa Ermita, Manila noong Biyernes, Agosto 31.

 

Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang ama at Chairman ng ALC Media Group at City State Tower Hotels na si D. Edgard Cabangon, kung saan binati niya ang mga nakilahok na Fashion Designers at sinabing isa sila sa haligi na tumutulong upang mas yumabong ang art and culture ng bansa sa pamamagitan ng kanilang mga obra.

“I truly enjoyed the show. Naniniwala ako na hindi lamang ito ang simula, marami pang susunod dito. Kasama niyo ang buong grupo ng ALC, at ang aking ama na si Amb. Antonio Cabangon Chua, nagdiwang siya ng kanyang kaarawan nito lamang Agosto 30, and I’m sure he’s watching and very proud of this successful event. We are here to help lalo na sa fashion design industry. Mabuhay po kayo,” ani Edgard Cabangon.

Maliban pa sa pag­rampa ng mga modelo at mga naiibang kasuotan sa Fashion Show, ibinida rin ng Cherry Blossoms Hotel ang kakaibang talento ng kanilang mga singer tulad ni Patricia Austero na umawit ng ilang song numbers na nagpakilig sa mga audience at nagpa­ramdam na nalalapit na ang Kapaskuhan at holiday ng bigayan at pagmamahalan.

Sa kabilang dako, sinabi ng isang designer na si Albert Fontanilla na gumamit siya ng mga kulay na Black at Red dahil ito ang magandang trend para sa nalalapit na okasyon dahil maaari itong pangkasuotang pormal sa trabaho, at puwedeng maging casual wear sa mga party sa gabi.

“During Christmas kasi we are active, we go to one place and another. That’s the principle. So in my holiday collection, you can remove a jacket or a coat and put another and pwede ka ng magpunta sa isa pang event,” ani Fontanilla.

Nagtapos ng Industrial Engineer si Fontanilla, subalit sa dahil naging inspirado ito sa tulong ng kanyang mga mentor, ay nahilig siya sa Fashion Design noong 1989 at nakarating na rin at nagtrabaho sa Dubai at Abu Dhabi.

Karamihan sa mga damit na ginamit at ini­rampa sa fashion show ay pawang gawa sa light colors at materials tulad ng yellow, white, pink at iba pa.

Ibinida ni Nardie Pressa, ang mga kasuotan at long dress na mayroong ¾ sleeves, kasama ang bitbit ng mga mo­delong pouch bag; habang long gowns na walang sleeves ang kay Joel Rosales, at light color top coat sa babae at lalake.

Light colors din ang ginamit na estilo ni Carl Arcusa, kung saan ang ibang modelo ay mayroong suot na Dark transparent coat at off shoulders na top dress, silver dress na may gloves; at para naman kay Dan Cadiz, makikita ang sigla sa mga dress nitong may-roong mga bulaklak at kumikinang na mga beads.

Payo ng mga lumahok na fashion designers sa mga nangangarap na maging tulad nila sa karera ay ituloy lamang ang kanilang craft or nais dahil magsimula man sila sa maliit, tiyak itong ya­yabong kasabay ng sipag at tiyaga.

“We encourage our young minds to pursue your dreams. Ituloy niyo lamang ang mga bagay na kung saan kayo masaya and this will lead you to success and achieve greater opportunities,” wika ng mga designers.

Ilan naman sa mga modelong rumampa sa entablado ay sina Carmella Delos Santos, Gayle Panajon, Nicole David, Patricia Ricafort, Kit Mendiola, Rose Manalo, Xylyn Calios, Asia Johmston, Rufaida Babudin, Jessy Valencia, Ali David at Rosky Lopez.

Hindi naman magi­ging matagumpay ang nasabing aktibidad kung hindi dahil sa patnubay ng Fashion Director na si Geena Zablan at make-up artist na si Memeth Nachor. PAUL ROLDAN / Kuha ni RUDY ESPERAS

Comments are closed.