MAGPATUPAD ng random checkup sa mga kadete ang Philippine Military Academy (PMA).
Ito ang nais ni House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera dahil dito malalantad kung may mga kadete na pinapahirapan at naaabuso sa akademya.
Binigyang diin ni Herrera-Dy na mawawala ang pang-aabuso sa Anti-Hazing Act of 2018 kung palagian ang pagsasagawa ng random checkup sa mga kadete.
Samantala, inirekomenda naman ni DIWA Partylist Rep. Michael Edgar Aglipay na mula sa third party ang magsasagawa ng eksaminasyon sa mga kadete upang hindi na maulit ang nangyari sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio na hindi naibigay ng mga doktor ng PMA ang tamang findings sa lagay nito.
Giit ng mambabatas, dapat din na maparusahan ang mga doktor na nagpabaya sa kaso ni Dormitorio.
Hiniling naman ni Herrera sa Department of National Defense at sa PNP na isumite ang listahan ng mga training na pinagdaraanan ng mga kadete para ma-classify at maisama sa Anti-Hazing Act.
Comments are closed.