RANDOM DRUG TEST NG BPFU SA MGA COP NG BULACAN PNP

BULACAN- NAGSAGAWA ng random drug screening ang Camp General Alejo S Santos sa lahat ng chief of Police sa 20 bayan at 4 na siyudad sa lalawigang ito.

Ito’y kaugnay sa panawagan PNP chief Gen. Benjamin C Acorda sa ilalim ng 5-Focus Agenda sa hanay ng PNP sa buong bansa.

Isinagawa ang surprise drug screening matapos ang Command Conference kahapon nitong Huwebes na pinangasiwaan ng Bulacan Provincial Forensic Unit (BPFU).

Pinangunahan ni PNP Provincial Director Col. Relly B Arnedo ang naturang aktibidad.

Layon ng test na matukoy kung sino sa mga hepe ng pulisya ang gumagamit ng illegal na droga tulad ng shabu at marijuana.

Samantala, tatagal ng halos isang linggo bago lumabas ang resulta ng isinagawang drug test.
THONY ARCENAL