IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas ang pagsasagawa ng random drug test sa mga kadete, guro at kawani ng PNP Academy sa Camp Castaneda, Silang, Cavite.
Ayon sa heneral,layon nito na matiyak na malinis mula sa illegal na droga ang mga mag-aaral at kawani ng akademya.
Paliwanag pa ni Sinas, kapag regular ang random drug test, hindi na sasagi sa isipan ng mga kadete at kawani nito na tumikim ng droga dahil alam na nila ang kahihinatnan at masasayang lamang ang kanilang pagod para maging “Iskolar Para sa Bayan.”
Ang PNPA ay itinuturing na state university na dating pinapatakbo ng Philippine Public Safety College subalit, noong 2019 ay inilipat sa PNP ang administrative control nito.
Ginawa ni Sinas ang pagkakaroon ng buwanang random test makaraang magpositibo sa droga ang isang plebo habang isa pang contractual employee ng akademya ang nagpositibo rin na naging daan para matukoy kung sino ang kanilang supplier na isa rin palang job order employee.
Tiwala si Sinas na sa pamamagitan ng random drug test ay agad mahuhuli ang mga gumagamit ng droga at mapatalsik sa institusyon. EUNICE CELARIO
Comments are closed.