ISABELA- TUMAAS ang ang bilang ng kaso ng panggagahasa lalo na sa mga menor sa Cauayan City.
Isang prorama ang inilunsad ng pamunuan ng Cauayan City Police Station na may temang EVA o End RAPE and Violence Against Women and their Children Act. Now at Project Vibes dahil sa tumataas ang bilang ng mga kasong panggagahasa, ito ay layunin ng kapulisan na tuldukan na ang mga kaso ng pang-aabuso kung saan ay mga batang menor ang nagiging biktima sa lungsod ng Cauayan.
Sa nakuhang ulat mula kay P/Lt. Scarlette Topinio, tagapgsalita at WCPD Chief ng Cauayan City Police Station, kung ikukumpara umano sa pitong kaso ng panggagahasa na naitala mula noong Enero hanggang Mayo 2020 ay mas tumaas pa umano ang bilang ng kaso nang pang-aabuso sa mga menor na kung saan ay nasa mahigit sa sampong kaso ang naitala simula naman nitong Enero hanggang Mayo 2021.
Batay umano sa datus ng WCPD, kadalasan na ang suspek sa pangagahasa ay mismong pang mga kamag-anak ng mga batang biktima, mga kalaro o kapit-bahay at kung minsan ay may naitala rin na ang ama mismo ang nanggahasa sa menor niyang anak dahil mayroong pagkakataon na katabi nito ang kaniyang anak na mga babae sa pagtulog.
Ayon pa sa tagapagsalita ng WCPD Cauayan City, karaniwan nagiging biktima ay nasa 11 taon gulang lamang na babae habang ang susspek naman ay nasa 60-anyos na lolo.
Kayat hinihikayat naman ng WCPD desk ang mga nakakaranas ng sexual na pang-aabuso na huwag silang matakot na magsumbong sa VAWC desk ng barangay o kaya sa mismong himpilan ng pulisya. IRENE GONZALES
Comments are closed.