RAPE SUSPECT NANG-AGAW NG BARIL NG LADY COP

nang agaw ng baril

MAGUINDANAO – DEAD on the spot ang isang rape and murder suspect nang agawan ng service firearm ang isang babaeng pulis sa loob mismo ng kanilang police station sa bayan ng  Parang.

Sa ulat ng Parang Municipal Police Station, nabaril at napatay ang suspek na si Mohamand Akmad, 46-anyos, residente ng Barangay Manion at may kasong rape at murder.

Base sa ulat sa Maguindanao Provincial Police Office, kasalukuyang sumasailalim sa inquest procedures ang suspek sa loob ng police station nang biglang agawin nito ang baril ng isang lady cop habang kukunan sana ito ng mug shots.

Ayon kay Lt. Col. Ibrahim Jambiran, Parang Police chief, matapos na maagaw ng rape suspect ang baril ay pinaputukan pa nito ang babaeng pulis.

Habang tumatakas si Akmad palayo sa himpilan ng pulisya ay binaril pa nito ang ibang pulis na gumanti na nang putok na nagresulta sa agarang kamatayan ng suspek.

Nasa mabuting kagalayan naman ang babaeng pulis matapos ang insidente. VERLIN RUIZ