RAPE SUSPECT NILASLAS ANG LEEG

blade

SARANGANI – SA pagamutan na nalagutan ng hininga ang isang rape suspect matapos na laslasin ang kanyang leeg sa loob ng Malapatan Police Station sa lalawigang ito.

Ayon kay Lt. Col. Teody Condeza, tagapagsalita ng Sarangani Provincial Police Office (SPPO), nagisnan ng mga kasamahang preso na duguan at laslas ang leeg ni Islao Aragon, 52-anyos, at  residente ng Libi, Malapatan, Sarangani Province.

Dahil dito nagkagulo ang mga inmate sa loob ng selda nina Aragon nang tumambad sa kanila na wala nang malay at duguan ang  preso matapos na laslasin nito ng blade ang kanyang leeg.

Sa pagsisiyasat, sinasabing  walang alam ang iba pang preso sa Malapatan Police Station ng magpakamatay si Aragon kaya nagsisigawan ang mga ito nang makita ang duguan nitong leeg.

Nalaman na nahaharap sa kasong rape ang nagpakamatay na preso.

Bunsod nito ipinag-utos na mas higpitan ang pagrerekisa sa mga dalaw ng mga inmate. VERLIN RUIZ

Comments are closed.