(Rapid testing, disinfection isinasagawa) 15 MRT3 WORKERS MAY COVID

MRT3

TINIYAK ng pamunuan ng MRT3 na mag-sasagawa sila ng regular na malawakang disinfection matapos na 15 sa workers nito ang nahawahan ng COVID-19.

Nagsasagawa na rin ng rapid antibody testing ang MRT-3 sa lahat ng mga empleyado nito.

Ang 15 manggagawa at pawang mula sa Sumitomo-MHI-TESPI na maintenance provider ng MRT-3.

Bilang bahagi ng precautionary measure, simula kahapon ay  lahat ng MRT-3 at Sumitomo-MHI-TESPI depot personnel ay sumailalim sa rapid testing.

Ang mga positibo sa rapid antibody testing ay agad isasailalim sa RT-PCR confirmatory testing at  self-quarantine habang hinihintay ang resulta ng test.