NEGROS ORIENTAL – ARESTADO ng pinagsanib na local police ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang tinaguriang most wanted ng rehiyon sa Tanjay City.
Ayon kay CIDG Director, Maj Gen. Romeo Caramat, ang pag-aresto ay bunsod ng pagpapaigting sa kampanya laban sa wanted persons o sa ilalim ng OPLAN “Pagtugis”.
Kinialala ang naaresto na si alyas Kris , 67-anyos and 36-anyos na si alyas Ron, na pawang nakalista sa PNP E-Warrant System ng Regional MWP of PRO7.
Unang naaresto ay si “Kris” sa Brgy. Pal-ew, Tanjay City, na inisyuhan ng Warrants of Arrest (WOAs) ni Hon. Ethyl B. Eleccion-Vidal, Presiding Judge of FC Branch 17, 7th Judicial Region, Tanjay City, Negros Oriental sa kasong 2 counts ng Rape with no bail recommended at paglabag sa violation of RA 7610 na may kaukulang piyansa na P200,000l.
Habang si, “Ron” naman ay may kasong murder ay naarestp sa in Brgy. Banga sa Bayawan City, sa bisa ng Warrant na inilabas ni Maria Myla Rae M. Santos-Orden, Presiding Judge of RTC Branch 63, Seventh Judicial Region, Bayawan City, na walang inirerekomendang piyansa.
Ang mga naaresto ay dinala sa CIDG Negros Oriental PFU para sa documentation.
Ang pag-aresto sa dalawang tinaguriang most wanted ay pagtugon sa anti-criminality program ni PNP Chief, Gen. Benjamin Acorda Jr.
“In support to the anti-criminality programs of CPNP, PGen Benjamin C. Acorda Jr. for the aggressive police operations under his 5-Focused Agenda, kami sa CIDG ay walang humpay sa pagganap ng aming mandato na ipatupad ang batas sa mga lalabag nito para matiyak na sila ay mananagot sa krimen na kanilang ginawa,” ayon kay Caramat. EUNICE CELARIO