RAPIST KALABOSO

CAVITE – Nadakip ng pinagsanib pwersa ng Calabarzon Intel division at Cavite PNP ang most wanted sa Southern Tagalog na matagal ng wanted sa batas sa salang panggagahasa sa isang 11-anyos na batang babae noong 2018.

Ang suspect ay nakilalang si John Chris Diaz, 42, may-asawa at naninirahan sa Cavite City. Si Diaz ay napag-alaman na kaibigan ng Ama ng biktima at kasamahan sa trabaho bilabg mga karpintero.

Ayon sa salaysay ni Dina ( hindi tunay na pangalan), apat na beses umano siyang ginahasa ng suspect sa tuwing ito’y dadayo ng inuman sa kaniyang Ama at doon makikitulog kapag di na nito kayang makauwi.

Dito na umano isinasagawa ng suspect ang pangmomolestiya sa kaniya kasabay ng pananakot na papatayin nito ang kaniyang Ama kapag siya’y nagsumbong.

Ang suspect ay kasalukuyang nakapiit sa Ca­vite PNP custodial center. ARMAN CAMBE