BULACAN – NADAKIP na ng mga operatiba ng PNP ang lalaking gumahasa at pumatay sa limang taong gulang na batang babae sa Brgy. San Miguel, Calumpit.
Sa report na ipinadala ni PNP Provincial Director P/Col Chito Bersaluna kay PNP Regional Director PBGen. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang nadakip na suspek na si Marvin Mengulio y Combenido, 23-anyos, residente ng Purok 2, Brgy. San Miguel, at tiyuhin ng biktima.
Ayon kay P/Lt.Col. Gerardo Andaya, ganap na alas-3:00 ng hapon noong Hulyo 9 nang matagpuan ang katawan ng biktima na palutang-lutang sa ilog ng Pampanga.
Sa salaysay ng mga saksi, huli nilang nakitang magkasama ang magtiyuhin na si Marvin at ang bata.
Kung saan positibong inamin ng suspek sa mga pulis na siya ang humalay sa pamangkin at pagkatapos ay itinulak niya ito sa ilog.
Ayon naman sa ina ng bata na nasa edad tatlong taon pa lamang nang simulang molestiyahin ng suspek ang biktima, kung saan natakot umano siyang i-report ang pangyayari.
Samantala, detenido ang suspek sa Calumpit Municipal Jail, habang inihahanda ang kasong rape with homicide. THONY ARCENAL
Comments are closed.