RAPPLER CEO BINASAHAN NG SAKDAL SA P70-M TAX EVASION

maria ressa

‘Not guilty.’

Ito ang plea na inihain ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa nang basahan siya ng sakdal kaugnay sa kinakaharap na apat na kaso ng tax evasion na umaabot sa P70 milyon na may kaugnayan sa pagbebenta ng Philippine Depositary Receipts na isang paglabag sa National Internal Revenue Code.

Ang pagdinig ay isinagawa sa sala ni Court of Tax Appeal (CTA ) 1st Division na pinamumunuan ni Presiding Justice Roman Del Rosario.

Sa ginanap na pre-trial, kapwa naglahad ang prosekusyon at depensa ng pagpiprisinta ng mga testigo at dokumento sa pagdinig.

Itinakda naman ang presentasyon ng unang prosecution witness na si  Jocelyn Bautista sa Mayo 15.

Muling iginiit ni Ressa na ang lahat ng kasong isinampa laban sa kanya ay pawang politically motivated.

Si Ressa ay umalis ng bansa kagabi (Miyerkoles) patungong Italy at New York para dumalo sa natanguang speaking engage-ments.

“I’m hoping for justice,” ayon pa kay Ressa.  ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.