RAPPLER TUMIKLOP NANG MABISTO SA PANDARAYA NG SURVEY VS BBM

TINANGGAL  ng Rappler ang presidential survey nito sa Facebook matapos magalit ang mga netizen dahil natuklasan ang ginagawang pandaraya sa naturang survey kay Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Fedinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Humingi ng paumanhin ang Rappler at nagpaliwanag na tinanggal ang survey dahil hindi ito umano ayon sa kanilang layunin.
Ngunit inulan pa rin ng batikos sa mga vloggers ang media outfit dahil sa pagtangka nitong linlangin ang publiko.
“Hindi kinaya ng sistema ninyo, hindi kinaya ng program niyo, Facebook and Rappler, kung tinambakan man nila agad si Leni ng 100k o 150k para mahirapan si BBM. Epic fail,” pahayag ni vlogger Maui Becker, na kilala din bilang si Princess Maui.
Naghinala din si Princess Maui na inabuso ng Rappler ang awtoridad nito bilang administrador ng Facebook Philippines, para  i-access ang troll accounts at mga inactive accounts matapos makita na ang mga nag-heart ay pawang mga Arabo, Pakistani, walang profile picture, o mga fake accounts.
Samantala, iginiit naman ni vlogger Chika-Doro na isang tangkang pananabotahe ang survey dahil tila naka-auto heart ang post kaya ang shocked emoji na pinindot niya ay napalitan ng heart.
“Itong survey na ginawa ng Rappler ay real sabotage. Survey pa lang ito, pinagpapractice-an na po tayo na dayain, dayain ang boto ng mga Pilipino. Grabe na tong Rappler,” aniya.
“Nakakalungkot isipin na niloloko na naman tayo nitong biased press, biased media na ito,” ayon naman sa isa ring vlogger na si Kasangga Jay.
Noong Oktubre 7, nagpost sa Facebook ang Rappler ng isang survey para makita kung sino ang gusto ng netizens na ihalal bilang pangulo sa halalan sa Mayo 2022.
Para maipakita kung sino ang nais nilang iboto, iki-click ng netizen ang kaukulang emoji na nakatakda doon sa limang presidential aspirants na kasama sa pagpipilian.
Ngunit nabisto na may daya rito nang mapansin ng isang netizen na hindi nagta-tally sa listahan ng mga Facebook users na sumagot sa survey ang kabuuang bilang ng clicks sa emoji para kay Marcos.

136 thoughts on “RAPPLER TUMIKLOP NANG MABISTO SA PANDARAYA NG SURVEY VS BBM”

  1. 397230 674704Attractive part of content material. I just stumbled upon your internet site and in accession capital to claim that I acquire in fact enjoyed account your blog posts. Any way Ill be subscribing to your feeds and even I achievement you get entry to constantly quickly. 144449

Comments are closed.