RAPTORS DISKARIL SA SIXERS

sixers vs raptors

NAITALA ni Tobias Harris ang 12 sa kanyang 23 points sa fourth quarter nang gibain ng Philadelphia 76ers ang Toronto Raptors para sa 109-102 panalo noong Martes ng gabi sa Tampa.

Nagdagdag si Philadelphia’s Joel Embiid ng 18 points at 12 rebounds.

Naiposte ni Furkan Korkmaz ang 16 sa kanyang season-best 19 points sa first quarter para sa 76ers, na tinapos ang 16 sunod na regular-season road losses sa Toronto. Nag-ambag sina Ben Simmons ng 15 points at Shake Milton at Danny Green ng tig-11.

Na-split ng 76ers ang dalawang laro at pinutol ang winning streak ng Raptors sa apat na laro. Nanall ang Philadelphia ng dalawa sa tatlo la-ban sa Toronto.

Tumipa si Norman Powell ng 24 points para sa Raptors at nagdagdag si  Pascal Siakam ng 22. Gumawa si Fred VanVleet ng 12 points, nakalikom si Aron Baynes ng 11 at kumabig sina Chris Boucher at OG Anunoby ng tig-10 points.

NUGGETS 111,

BLAZERS 106

Nagbuhos si Nikola Jokic ng 41 points at naitala ni Jamal Murray ang19 sa kanyang 24 points sa fourth quarter upang pangunahan ang host Denver Nuggets sa 111-106 panalo kontra Portland Trail Blazers.

Nagdagdag sina Michael Porter Jr. ng 12 points at 10 rebounds at Zeke Nnaji ng 10 para sa  Denver.

Nagbigay si Damian Lillard ng 25 points at  13 assists, tumapos si Enes Kanter na may 16 points at 14 rebounds, tumabo si Carmelo An-thony ng 24 points at nag-ambag sina Gary Trent Jr. at Derrick Jones Jr. ng tig-18 para sa Trail Blazers.

WARRIORS 114,

KNICKS 106

Winakasan ni Stephen Curry ang scoring drought sa pagsalpak ng tiebreaking 3-pointer, may 3:38 ang nalalabi, at nalusutan ng bisitang Golden State Warriors ang mabagal na simula sa fourth quarter upang matakasan ang New York Knicks, 114-106.

Bumawi si Draymond Green mula sa costly late-game ejection noong Sabado sa Charlotte upang magbigay ng 7 points, team-high 9 re-bounds at game-high 12 assists para sa Golden State.

Nagwagi ang Warriors sa unang pagkakataon sa tatlong laro sa kanilang kasalukuyang trip at nakaiwas sa kanilang unang three-game losing streak sa season.

Kumamada si Julius Randle ng team-high 25 points, 10 rebounds at 7 assists para sa Knicks, na natalo sa ikalawang pagkakataon lamang sa nakalipas na anim na laro.

Sa iba pang laro, naungusan ng Dallas Mavericks ang Boston Celtics, 110-107; ginapi ng Los Angeles Clippers ang Washington Wizards, 135-116; tinambakan ng Milwaukee Bucks ang Minnesota Timberwolves, 139-112; nilambat ng Brooklyn Nets ang Sacramento Kings, 127-118; at naungusan ng Cleveland Cavaliers ang Atlanta Hawks, 112-111.

Comments are closed.