RAPTORS GIBA SA CELTICS

celtics

KUMANA si Kyrie Irving ng season-best 43 points, kabilang ang apat sa overtime, at nagdagdag ng 11 assists nang igupo ng Boston Celtics ang bumibisitang Toronto Raptors, 123-116, noong Biyernes ng gabi.

Ipinalasap ng Celtics, na natalo ng apat sa kanilang huling anim na laro,  sa Raptors ang ikatlong sunod na kabiguan matapos ang 12-1 simula. Na-split ng dalawang koponan ang kanilang unang dalawang laro ngayong season.

Nagdagdag si Jayson Tatum ng 21 points, gumawa si Gordon Hayward ng  15 at tumipa sina Marcus Morris at Al Horford ng tig-11 para sa  Celtics.

Nanguna si Khawi Leonard para sa Raptors na may  31 points at 15 rebounds. Nag-ambag sina Serge Ibaka ng 21 points, Pascal Siakam ng 16, Kyle Lowry ng 14 at Jonas Valanciunas at Danny Green ng tig-11 para sa  Raptors.

Kinuha ng Raptors, umabante ng hanggang 10 points sa third quarter, ang four-point edge papasok sa fourth bago nanalasa si Irving sa pagkamada ng 19 sa period upang tulungan ang   Celtics na ipanalo ang laro sa overtime.

76ERS 113,

JAZZ 107

Tumirada si Jimmy Butler ng  28 points sa kanyang home debut upang pangunahan ang Philadelphia laban sa Utah.

Si Butler ay 12 of 15 mula sa field at umangat ang Sixers sa 8-0 sa home  ngayong season habang napalawig ang kanilang home winning streak sa 18 mula pa noong nakaraang season.

Nagdagdag si Joel Embiid ng 23 points, gumawa si JJ Redick ng 16 at nagposte si Amir Johnson ng 11 para sa Sixers.

Nanguna si Donovan Mitchell para sa Jazz na may 31 points subalit bumuslo lamang ng 13-for-35 mula sa field at 1-for-11 mu-la sa 3-point range.  Nag-ambag si Joe Ingles ng 14 habang umiskor sina Derrick Favors at Ricky Rubio ng tig-13. Tumapos si Rudy Gobert na may 12 points at10 rebounds.

TIMBERWOLVES 112, TRAIL

BLAZERS 96

Pinangunahan ni Andrew Wiggins ang anim na Minnesota players na nagtala ng double figures na may 23 points sa panalo kontra bumibisitang Portland.

Umiskor si Derrick Rose ng  17 points, nagdagdag sina Robert Co­vington at Karl-Anthony Towns ng tig-14, gumawa si Jeff Teague ng 13 at tumabo si Taj Gibson ng 12 para sa Timberwolves, na nanalo ng tatlong sunod at naiganti ang 111-81 pagkatalo sa Portland noong Nob. 4.

Umiskor si CJ McCollum ng 18 points, at nagdagdag sina Damian Lillard ng 16 at Jusuf Nurkic ng 13 points at 11 rebounds para sa Blazers, na natalo ng dalawang sunod.

BUCKS 123,

BULLS 104

Nagbuhos si Giannis Antetokounmpo ng  23 points at  13 rebounds, at sa isang iglap ay binura  ng  Milwaukee ang 18-point halftime deficit upang gapiin ang bumibisitang Chicago.

Naging matindi ang depensa ng Milwaukee sa pagsisimula ng  third quarter at na-outscore ang Chicago, 46-17, upang makontrol ang laro tungo sa panalo.

Na-outscore ng Milwaukee ang Chicago, 78-41, sa second half at ang lahat ng miyembro ng starting unit para sa Bucks ay umiskor ng double fi­gures.

PELICANS 129, KNICKS 124

Nagpakawala si Anthony Davis ng 43 points at 17 rebounds nang malusutan ng host New Orleans ang 11-point deficit sa kalagitnaan ng fourth quarter upang pataubin ang New York.

Tumipa si Jrue  Holiday ng 24 points at  10 assists, kumamada si Julius Randle ng 19 at  11 rebounds mula sa bench, umiskor si  E’Twaun Moore ng 13 at nagdagdag si  Nikola Mirotic ng 12 points at 10 rebounds para sa New Orleans, na naghabol ng hang-gang 19 points.

Nagpasabog si Tim Hardaway Jr. ng 30 points, tumipa si Trey Burke ng 24 points mula sa bench, at nag-ambag sina  Emmanuel Mudiay ng 19 at Kevin Knox at Allonzo _Trier ng tig-11 para sa  Knicks, na natalo ng apat na sunod.

Ang iba pang resulta: Pacers 99, Heat 91; Grizzlies 112, Kings 104; Nets 115, Wizards 104.

Comments are closed.