RAPTORS GIBA SA CELTICS

Raptors vs celtics

NAGBUHOS sina Jaylen Brown at  Jayson Tatum ng tig-25 points at naitala ni Kemba Walker ang 11 sa kanyang 22 sa fourth quarter nang hiyain ng Boston ang bumibisitang Toronto sa kanilang home opener, 112-106.

Nanguna si Pascal Siakam sa lahat ng scorers na may 33 points, at tumipa si Kyle Lowry ng 29 para sa Raptors, na nalasap ang unang kabiguan matapos magwagi sa  kanilang opener noong Martes.

MAVERICKS 123,

PELICANS 116

Kumana si  Luka Doncic ng triple-double upang pangunahan ang Dallas Mavericks sa 123-116 panalo laban sa New Orleans at umangat sa 2-0 sa season.

Tumapos si Doncic, ang reigning NBA Rookie of the Year na tumabo ng  34 points upang pa­ngunahan ang Mave­ricks sa season-opening win kontra ­Washington, dalawang gabi na ang nakalilipas, na may 25 points, 10 rebounds at 10 assists

Nagdagdag si Kristaps Porzingis ng  24 points, umiskor si Delon Wright ng 20 mula sa  bench at nagposte si Jalen Brunson ng14.

Kumamada si Brandon Ingram ng  25 points para sa Pelicans na bumagsak sa 0-2 sa season.

NUGGETS 108,

SUNS 107 (OT)

Kumana si Nikola  Jokic ng 23 points, 14 rebounds at 12 assists at nagdagdag si Jamal Murray ng 27 points at 7 rebounds nang gapiin ng host Denver ang Phoenix sa overtime.

Umiskor si Murray ng game-winning points mula sa free-throw line, wala nang 20 segundo ang nalalabi, tumipa si  Malik Beasley ng 17 points, at nakalikom sina Gary Harris at  Jerami Grant ng tig-13 points para sa Nuggets, na may best record (34-7) sa home noong nakaraang season.

Nagsalansan si Kelly Oubre, Jr. ng 23 points at 8 rebounds bago na- foul out, gumawa si Frank Kaminsky ng 19 points at 11 rebounds, at nag-dagdag si Devin Booker ng 18 para sa Suns, ngunit ang kanyang game-tying attempt ay nasupalpal sa final seconds.

LAKERS 95, JAZZ 86

Nagpasabog si LeBron James ng 32 points, 10 assists at 7 rebounds nang igupo ng host Los Angeles ang Utah sa kanilang home opener.

Nagdagdag si Anthony Davis ng 21 points, 5 blocks at 7 rebounds, habang umiskor si guard Troy Daniels ng  15 points mula sa bench para sa Lakers, na bumawi mula sa season-opening loss sa LA Clippers noong Martes.

Nanguna si Donovan Mitchell para sa Jazz na may 24 points at nag-ambag si Mike Conley ng 13 points.

TIMBERWOLVES 121, HORNETS 99

Humataw si Karl-Anthony Towns ng 37 points nang iposte ng Minnesota ang ikalawang sunod na panalo matapos na gapiin ang Charlotte.

Bumuslo si Towns, kumalawit ng game-high 15 rebounds at 8 assists, ng 13 of 18 mula sa field.

Sa iba pang laro, nilambat ng Nets ang Knicks, 113-109; Trail Blazers 122, Kings 112; sinuwag ng  Bulls ang Grizzlies, 110- 102; at pinatahimik ng Wizards ang Thunder, 97-85.

2 thoughts on “RAPTORS GIBA SA CELTICS”

  1. 280246 343997The specific New york Diet can be an highly affordable and versatile eating better tool built for time expecting to loose fat along with naturally maintain a healthful day-to-day life. la weight loss 944388

  2. 303229 450339Conveyancing […]we like to honor other websites on the internet, even if they arent related to us, by linking to them. Below are some internet sites worth checking out[…] 359835

Comments are closed.