RAPTORS, NUGGETS TUMABLA

raptors vs celtics

KAPWA kumamada sina Pascal Siakam at  Kyle Lowry ng double-doubles upang tulungan ang  Toronto Raptors na kunin ang  Game 4 at itabla ang kanilang Eastern Conference semifinals series laban sa Boston Celtics.

Nagwagi ang defending champions ng dalawang sunod sa kanilang  best-of-seven series, sa pagkakataong ito ay 100-93 win sa Game 4 noong Sabado (US time) sa Walt Disney World Complex sa Orlando.

Tabla ngayon ang series sa 2-2,  kung saan bumangon ang Raptors mula sa bingit ng pagkakasibak upang agawin ang momentum.

Tumapos si Siakam na may  23 points at 11 rebounds, habang nagdagdag si while Lowry ng 22 points, 11 rebounds, at 7 assists.

Nakalikom si OG Anunoby, naisalpak ang game-winning three-pointer sa Game 3, ng 11 points, 3 rebounds, 3 assists, at 2 blocks.

“Feels like we’re starting over,” sabi ni Siakam.

“It’s a great team we’re playing against. It’s not going to be easy. We know that. So we just have to continue to work hard,” aniya.

Idinagdag pa ni Lowry na hindi maaaring magkampante ang Raptors matapos ang dalawang sunod na panalo.

“We just continue to focus on every possession, every game,” ani Lowry. “We know how tough those guys are.”

Isang malaking  third quarter ang naging tuntungan ng Raptors para maitakas ang panalo.

Tabla ang laro sa 49 sa  half, subali nabuhay si Siakam sa third quarter kung saan na-outscore ng Raptors ang  Celtics, 32-24.  Lumamang sila ng hanggang 11 points, 81-70, mula sa tira ni Siakam sa huling bahagi ng period.

Tinangka ng Celtics na humabol sa final frame, subalit laging may sagot ang defending champions sa tuwing makakalapit sila.

Nanguna si Jayson Tatum para sa Celtics na may 24 points at 10 boards.

NUGGETS 110, CLIPPERS 101

Tinapos ni Jamal Murray ang sinimulan ni Nikola Jokic started, at naitakas ng Denver Nuggets ang panalo sa Game 2 ng kanilang series kontra Los Angeles Clippers.

Nag-init si Jokic sa first half upang ilagay ang Nuggets sa trangko, at naipasok ni Murray ang malalaking tira sa huling sandali upang makalayo sa Clippers.

Naitabla ng Denver, makaraang matalo ng 23 points sa Game 1, ang best-of-seven series sa 1-1.

Comments are closed.