KUMAMADA ng 20 puntos si Karl Anthony Towns sa huling yugto ng laro upang ibigay ang panalo ng Minnesota Timberwolves kontra Toronto Raptors, 116-112.
Nakatuwang ni Towns si Mark Beasley na may 20 puntos, kabilang ang anim na 3-point shots.
Nagbigay rin ng 18 puntos ang rookie na si Anthony Edwards habang 16 puntos naman ang iniambag ni Ricky Rubio.
Sa panig ng Raptors, tumipa ng 24 puntos si Kyle Lowry at nagdagdag sina Fred VanVleet at Norman Powell ng tig-22 puntos.
Tumipa si Pascal Siakam ng 18 puntos para sa Raptors na nahulog sa 12-15 rekord.
WIZARDS 104,
CELTICS 91
Binalikat ni Bradley Beal ang panalo ng Washington Wizards kontra Boston Celtics, 104-91.
Humataw ng kabuuang 35 puntos si Beal upang pangunahan ang panalo ng Wizards.
Si Beal din ang naging top scorer ng koponan sa kanilang nakaraang laro noong Sabado ng umaga kung saan nabigo sila kontra New York Knicks.
Apat na 3-point shots ang isinalpak ni Beal at kumonekta ng 10 of 18 sa field.
Nakatuwang ni Beal si Russel Westbrook na may 13 puntos na naiambag kasama ang 11 rebounds at 9 assists.
Nagposte naman si Rui Hachimura ng 15 puntos para sa Washington.
Tumipa sina Kemba Walker at Jalen Brown ng tig-25 puntos para sa Celtics na naitala ang ika-10 pagkabigo sa 16 na laro.
SPURS 122,
HORNETS 110
Iniangat ni Dejounte Murray ang panalo ng San Antonio Spurs kontra Charlotte Hornets, 122-110.
Nakakolekta si Murray ng 26 puntos at 12 rebounds para sa Spurs at nagdagdag si Derrick White ng 25 puntos.
Bagama’t 8 puntos lamang ang naiambag ni De Mar Rozan, buong depensa naman ang kanyang ibinigay upang pigilan ang opensiba ng Hornets.
Nagbuhos si Terry Rozier ng 33 puntos para sa Hornets, ngunit hindi ito naging sapat para maitakas ang panalo. Apat sa kanilang key play-ers ang hindi nakalaro.
Si Gordon Hayward ay may iniindang back pain, habang sina P.J Washington, Caleb Martin at Cody Martin ay hindi pinayagan na maglaro sanhi ng safety protocols ng liga.
Umiskor si Malik Monk ng 23 puntos at nagtala si Lamelo Ball ng 17 puntos at 12 rebounds.
PISTONS 123,
PELICANS 112
Binigo ng Detroit Pistons ang New Orleans Pelicans, 123-112.
Si Mason Plumlee ang naging key player sa nasabing laro sa pagkamada ng triple double, 17 points, 10 rebounds at 10 assists.
Tumipa si Josh Jackson ng 21 puntos para sa Pistons habang nag-ambag si Svi Mykhaihik ng 18.
Nasayang ang magandang performance nina Zion Washington at Brandon Ingram na may tig-26 puntos.
Sa iba pang resulta ay binigo ng Portland ang Dallas, 121-118; ginapi ng Oklahoma ang Milwaukee, 114-109; nagwagi ang Phoenix kontra Orlando, 109-90; namayani ang Denver laban sa LA Lakers, 122-105; pinayuko ng Memphis ang Sacramento, 124-110; at nanaig ang LA Clippers laban sa Cleveland 128-111.
Comments are closed.