KUNG akala mo ay magiging maayos na ang digital strategy mo, kahit paano, may dahilan pa rin itong pumalpak. Para masigurong nasa ayos ang lahat lalo na’t malapit nang matapos ang taon, narito ang limang bagay na dapat silipin sa estratehiya mo:
#1 Maling Plataporma
Baka naman mali ang ginagamit mong plataporma para sa digital strategy mo? Halimbawa, ang paggamit ng WordPress para sa website na puno ng content. Ito nga ba ang gamit mo o iba? Ang mga website builder na gaya ng Wix ay ok sa simula. Baka lumalaki na ang negosyo mo o ang kumpetisyon, kung saan kailangan mo na ng mas maayos na website? Kung may e-commerce ka na at ‘di na kasing epektibo ang paggamit ng sariling gawa na website, baka dapat nang gumawa ng integrated e-commerce strategy?
#2 ‘Di Epektibong SEO
Karamihan sa mga startup na negosyo ay sa SEO pumapalpak. Dahil na rin ‘di nila naiisip na sa una pa lang ay inaayos na ito. Kapag dumami na kasi ang kalaban mo, natatabunan ka na sa Google Search kung ‘di maayos ang SEO mo. Mas mainam na ipa-manage ito sa eksperto. Maraming siyensiya ang gamit para umangat ka rito. Magsimula ka sa forensics.
#3 Maliit na Budget
Kung natatabunan ka na ng mga kalaban mo sa social media at Google Ads, maaari mo nang taasan ang budget mo. Ito kasing bagay na ito ang madalas na ipagpaliban ng mga marketing ng negosyo hanggang sa halos huli na ang lahat. Pag-aralang muli ang digital budget mo.
#4 Mahinang Social Media Management
Ang social media management ay mahalaga. Period. Kung ‘di ka desididong gumamit nito, tiyak na bagsak ang mga plano mo. Pag-aralang mabuti ang ginagawa ng iba at ikumpara sa iyo. Ano sa tingin mo? Sino kaya ang mas umuungos sa inyo?
#5 ‘Di Paggamit ng Metrics
Kung ‘di ka masinop sa pagtingin ng numero, tiyak palpak ang digital marketing mo. Ang Facebook at iba pang social media ay may metrics (tawag ay Insights). Ang Google ay may Analytics (Google Analytics). Kung ngayon mo lang ito narinig, panahon nang pag-aralan ito. Ang mga numero rito ang gagabay sa ‘yo sa pag-ayos ng estratehiya mo sa digital.
Kung maraming ka pang tanong ukol sa pitak na ito, puwede namang mag-email lang sa akin o kontakin ako sa FB page ko na nakasulat sa ibaba. Mag-aral at magtiyaga para lumago ang buhay. Gabayan ka nawa ng Diyos.
oOo
Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa Internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Pilipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa [email protected] o hanapin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage
Comments are closed.