RASYON SYSTEM SA PIITAN IBALIK

MASAlamin

MAAARING nararapat nang ibalik ang rasyon system sa mga piitan sa buong kapuluan upang mawala na ang umano’y korup-siyon sa ginagawang catering system kung saan nakokopo lamang umano ng napapaborang bidder ang mga kontrata.

Sandamakmak ang natatanggap nating mga reklamo mula rin sa mga kamag-anakan ng mga nakapiit sa ating mga penal colony sa bansa. Anila, ni hindi naman talaga makain din ang mga pagkaing isinusuplay sa kanila ng pinaborang caterer.

Sa isang email naman, nakatanggap ako ng statement mula sa isang non-government organization na kumokondena sa umano’y korupsiyon diyan sa Bureau of Corrections (BuCor).

Heto ang nilalaman ng mensahe:

“We want to put a stop to the corruption that began under the watch of the previous administration that apparently continued to this day because unchecked.

“We want to state that back in 2012, certain anomalies were exposed by the DOJ itself with threats of suing the prison officials involved in the alleged rigging of the bidding process to favor a certain supplier. But, contrary to its public posturing, the said con-tractor did not only win contracts in the BuCor, it was made a monopoly.

“Its contracts merely extended and its bidding price even augmented to satisfy the greed of the syndicate.

“It is not the problem of the BuCor if the bidder will not be able to purchase goods at its lowest cost nor the problem of shortage of supply as specified in the Memorandum of Agreement, Hence, government official by approving the request of the bidder to purchase of NFA rice and augmentation of per capita of inmates give undue favor to the favored supplier and opens the gates to corruption.

“BuCor even acted as broker/agent in behalf of the favored supplier when it requested NFA to allow the said contractor to pur-chase rice from the agency despite the absence of allocation.

“We want to put a stop to the irregularities in Philippine prisons. We want to put a stop to the syndicate.”

Malinaw ang nilalaman ng panawagan na ito, nagpapatuloy umano ang korupsiyon sa BuCor na maaaring hindi nala­laman ng mga bagong inilagay riyan ng bagong administrasyon, kaya naman sa pamamagitan ng munting pitak na ito ay makatulong tayo sa pag-sugpo at paglilinis ng ating burukrasya sa pamamagitan ng pagsisiwalat sa mga ganitong gawi.

Comments are closed.