‘RAT TO CASH’ DINAGSA

NILINAW ni Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro na tanging mga residente ng lungsod ang maaaring sumali sa ‘Rat to Cash’ program, na layong mapigilan ang pagkalat ng sakit na leptospirosis na nakukuha sa ihi ng daga.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Mayor Marcy na pinilahan ang unang araw ng programa na tatagal hanggang ngayong araw, kung saan mahigit 1,700 na daga ang nakolekta ng City Environment Management Office.

Sa ilalim ng naturang programa, magbibigay ang LGU ng P200 kapalit ng kada mahuhuling mga daga na may timbang na 150 gramo pataas, buhay man o patay.

Sa ngayon, aniya, ay may tatlong kaso ng leptospirosis sa lungsod.

Sinabi pa ni Mayor Marcy na mayroon silang ipinamamahaging preventive medicine laban sa leptospirosis.

DWIZ 882