RATIPIKASYON NG RCEP SUPORTADO NG TSINOY BIZMEN

NANINIWALA ang grupo ng malalaking negosyante na magiging kapaki-pakinabang para sa Pilipinas ang pagpapatibay ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) kaya suportado nila ang hakbang ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nasabing panukala.

“We believe RCEP ratification shall help make the Philippines more globally competitive, it can help attract foreign direct investments, create more jobs and export opportunities,” pahayag ni Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) President Dr. Henry Lim Bon Liong.

Ayon kay Dr. Bon Liong: “Lubos na sinusuportahan ng Federation si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang maliwanag na desisyon para sa mabilis na pagpapatibay ng Senado ng Pilipinas sa RCEP.

Nanawagan din ang mga negosyante na magkaisa ang sambayan sa mga hakbangin ng pamahalaan at mga progresibong reporma.

“We urge decisive, bold, strategic and coordinated efforts of our whole society to make the Philippines to economically benefit from RCEP, this world’s biggest free trade trade agreement involving ASEAN countries, China, South Korea, Japan, Australia and New Zealand.”

“We believe RCEP ratification shall help make the Philippines more globally competitive, it can help attract foreign direct investments, create more jobs and export opportunities,” ayon pa sa grupo.

Nabatid na ang RCEP) ay isang free trade agreement (FTA) na lilikha sa pinakamalaking trading bloc sa buong mundo, subalit may nangangambang ang higit na makikinabang dito ay ang China na mahigpit na katunggali ng United States sa larangan ng influence and economic supremacy sa Asia-Pacific region.

May 15 Asia-Pacific nations, na kumakatawan sa halos ikatlong bahagi ng world’s gross domestic product, ang lumagda sa kasunduan noong Nobyemre 15, 2020 via teleconference.

Pinangangambahang madodomina ng China na siya ring lilikha ng trading rules para sa Asya ngayong 21st century,

Kaya sinasabing sinalungat ito ni dating U.S. President Barack Obama sa pamamagitan ng paglikha ng karibal na Trans-Pacific Partnership (TPP), na umano’y mas malaki at higit na komprehensibong trade agreement kumpara sa RCEP.

Ang TPP ay may original 12 nations member mula sa Asia-Pacific at America subalit hindi kasali ang China, bagamat umatras ang US sa TPP nang manungkulan si U.S. President Donald Trump. VERLIN RUIZ