MANANATILI sina star guards Kiefer Ravena at Kevin Alas sa NLEX franchise.
Ang dalawang players ay pumirma ng contract extension sa Road Warriors kahapon, kung saan kinumpirma ni Ravena sa kanyang Twitter account na mananatili siya sa NLEX sa loob ng tatlo pang taon.
“Hoping to achieve great things with our group,” pahayag ng dating Ateneo de Manila University star.
Ang second overall pick sa 2017 PBA Rookie Draft, si Ravena ay hindi pa naglalaro ng full season para sa NLEX Road Warriors. Ang kanyang promising freshman campaign ay natigil nang masuspinde dahil sa paggamit ng banned substances.
Samantala, hangad ni Alas na maibalik ang kanyang dating porma makaraang gumaling mula sa ikalawang ACL injury.
Kumpiyansa si NLEX coach Yeng Guiao sa kinabukasan ng kanyang koponan sa pangunguna ng dalawang guards.
“The last time they (Alas and Ravena) played together, we were in the All-Filipino semifinals,” ani Guiao, patungkol sa kanilang kampanya sa 2017-18 Philippine Cup kung saan natalo sila sa Magnolia sa anim na laro.
Bukod kina Alas at Ravena, si Guiao ay sasandal din kina Jericho Cruz, Mike Miranda at JR Quinahan upang punan ang puwang na iniwan ni Poy Erram matapos itong i-trade sa TNT KaTropa. CLYDE MARIANO
Comments are closed.