RAVENA, NEOPHOENIX KINAPOS SA SHIMANE

Thirdy Ravena

NABASURA ang halos double-double performance ni Thirdy Ravena nang kapusin ang San-En NeoPhoenix laban sa  Shimane, 81-74, sa Japan Professional B.League kahapon.

Nagbuhos ang dating Blue Eagle ng 12 points at kumalawit ng 8 rebounds sa kanyang unang talo sa koponan. Ito ang second highest score sa koponan, kapantay ni local Hayato Kawashima.

Si Stevan Jelovac ang nanguna sa NeoPhoenix na may 23 points at 10 rebounds.

Nagbida naman para sa Shimane sina De’Mon Brooks na may 19 points, Reid Travis na may 17, at Perrin Buford na may 15.

Nahulog ang NeoPhoenix sa 2-10 record sa torneo.

Kinuha ng NeoPhoenix si Ravena bilang kanilang Asian import noong nakaraang Hunyo. Sumalang siya sa unang pagkakataon noong Saba-do kung saan tumipa siya ng 13 points para sa winning debut

Sisikapin ni Ravena at ng NeoPhoenix na makabawi sa Miyerkoles, Nobyembre 11, sa pakikipagtipan sa Osaka Evessa.

Comments are closed.