MAKABABAWI ang raw sugar output ng bansa sa market year (MY) 2019-2020 ng 4.76 percent sa 2.2 million metric tons (MMT) sa likod ng inaasahang pagbuti ng planting conditions at mas malaking demand, ayon report ng Global Agricul-tural Information Network (Gain).
Gayunman, nakasaad sa Gain report, na inihanda ng United States Department of Agriculture Foreign Agricultural Service (USDA-FAS) sa Manila, na ang raw sugar output sa MY 2018-2019 ay bababa ng 4.54 percent.
Sa pagtaya ng Gain report, ang Philippine sugar output sa MY 2018-2019 ay maitatala sa 2.1 MMT, mas mababa ng 100,000-MT sa 2.2 MMT recorded volume sa naunang MY.
“This is partly due to unfavorable weather conditions in some sugarcane-producing areas resulting in reduced tonnage but with higher yield/purity,” ayon pa sa report na nalathala kamakailan.
“The contraction in sugarcane areas in CY2018/19 as reported by the Sugar Regulatory Administration (SRA) also contributed to the production decline,” dagdag pa nito.
Paliwanag ng Gain report, ang sugarcane production area sa current MY ay bahagyang bumaba sa 415,000 hectares mula sa 418,000 hectares sa naunang taon.
“Likewise, total sugarcane output would decline to 23 MMT due to poor weather conditions and smaller planting area reported,” dagdag pa nito. JASPER ARCALAS
Comments are closed.