RAW SUGAR OUTPUT HUMINA

RAW SUGAR

BUMABA ang raw sugar output ng bansa hanggang noong Hunyo 17 ng 15.30 percent sa 2.064 million metric tons (MMT), mula sa 2.437 MMT na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA).

Sa preliminary data ng SRA, lumitaw na ang total demand para sa raw sugar buhat nang simulan ang crop year 2017-2018 ay umabot sa 2.041 MMT, mas mataas ng 13.64 percent sa 1.913 MMT na naiposteng total consumption sa kahalintulad na panahon noong 2017.

Bahagya namang tumaas ang produksiyon ng refined sugar sa 860,893.10 MT mula sa 860,204.80 MT na naitala noong nakaraang taon.

Ang local sugar industry ay nakapaggiling lamang ng 23.608 MMT ng  sugarcane o tubo,  na mas mababa ng 13.17 percent sa 27.190 MMT noong nakaraang taon.

“This resulted to a 3.31 percent drop in the milling recovery rate to 1.75 50- kilogram bag (LKg) per ton cane, from 1.81 LKG/TC recorded a year ago,” ayon sa SRA.

“The decline in the country’s output has been attributed to unfavorable weather, particularly higher occurrence of rainfall in some sugar-producing provinces,” sabi pa ng SRA.

Sa pagtaya ng Philippine Sugar Millers Association (PSMA), ang total raw-sugar production sa current crop year 2017-2018 ay maaaring bumaba ng 16 percent upang bumagsak sa 7-year low na 2.1 million metric tons (MMT) dahil sa kawalan ng sugarcane cutters at mas kaunting ani.

Sinabi ni PSMA Executive Director Francisco D. Varua na ang pinakabagong forecast ng kanyang grupo ay base sa survey na isinagawa sa sugar millers at iba pang industry stakeholders upang matantiya ang total sugar output sa current CY, na magtatapos sa Agosto 31.  JASPER ARCALAS

Comments are closed.