NAGDALAMHATI ang buong gamefowl at cockfighting world sa pagkawala ng isa sa mga champion at legendary breeder. Kamakailan lamang ay pumanaw na si Ray Alexander ng Lincoln, Alabama sa edad na 82. At labis na ikinalungkot ito ng World Slasher Cup family sapagkat si Alexander ay isa sa pinakaunang tagasuporta ng World Slasher Cup, na kilala sa karamihan bilang “Olympics of Cockfighting” kung saan lumalahok siya sa bawat WSC competition mula pa sa simula.
Breeding partner at close friend ni Nene Araneta, unang nagkita ang dalawa sa Phoenix noong 1970s. Sa taong din iyon napanalunan ni Alexander ang Copper State championship, at nagtuloy-tuloy ang kanyang panalo sa Sunset, Oklahoma at iba pang major cocking events sa United States.
Sa local front, nag-champion siya ng maraming beses sa kanyang pakikipag-partner sa ilang local breeders at cockers, kasama na riyan ang WSC sa early ‘70s, pagkatapos noon ay nag-solo winner din siya noong May 1994 kasama si Mr. Araneta, nag-three-way tie noong January 1995 sa isang entry kasama sina Araneta at Buddy Mann at ang pinakahuli, ang WSC 2 nitong taon. Kilala siya sa kanyang pamilya at mga kaibigan bilang ultimate sports man na mahilig sa Alabama football ngunit tanging sa mundo ng sabong siya nahumaling.
Bata pa lang ay mahilig na sa manok-panabong si Alexander. Sa edad na 12 back in the early ’50s nang makilala niya ang isang old timer na ayon sa kanya ay “the best cockfighter on earth” at isinasama nito siya para manood ng laban.
“He was a professional. I learned everything from him,” ani Alexander sa isang interview noon. “It didn’t take me long to catch some of what you had to do. To most people it’s hard catching on because it ain’t nothing but common sense.” Hindi nawala ang pasyon niya sa gamefowl breeding hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay. Ang common sense na kanyang nabanggit ay nakatulong para makamit niya ang reputasyon na may kakayahang tingnan ang ‘gameness’’ o tibay ng isang manok.
Ang kanyang farm’s website na may slogan na “the winningest gamefowl in the world” ay eksaktong deskripsyon bilang puna sa mga komento mula sa kanyang buyers, breeders, fans, at kapwa cockfight aficionados. Masasabing icon sa mundo ng sabong si Alexander kung saan malaki ang respeto sa kanya ng mga cockfighting enthusiast sa buong mundo sa US, Mexico, Hawaii, lalong-lalo na sa pinakamamahal niyang Filipinas, na kanyang parating binibisita ng halos 50 years na.
Maraming top Filipino breeders ang nanalo at nag-kampeon gamit ang kanyang mga linyada, at wala siyang masasabi kundi mabubuting salita sa mga Filipino fighter na kanyang tinutukoy bilang “the best cockfighters right now… because they do it every day.” Muling inalala ng cockfight enthusiast na si Boy Diaz ang kanilang pagkikita ni Alexander noong dekada 70 kung saan ang huli “first came to the Philippines by himself and with his roosters, which he had in a taxi,” ani Diaz.
Sinabi ni Diaz na sumali sila noon ni Alexander sa isang derby sa Roligon sa San Juan na maituturing na pinakamagandang sabungan noon. “That was the home of the United Cockers’ Club where the stalwarts of sabong used to fight.”