OFFICIALY ay Kapuso na si Rayver Cruz. Naging hudyat ng kanyang pagiging isang Kapuso ang pagsasalita niya sa programang “24 Oras” ng GMA7. At siyempre pa, tulad ng mga nauna sa kanya ay natanong si Rayver kung sino ang gusto niyang mga Kapuso na makatrabaho. Feel ni Rayver makasama sa isang proyekto ay sina Dingdong Dantes, Marian Rivera at Jennylyn Mercado. Siyempre given na ‘yung gusto niyang makasama ang ‘special one’ ngayon ng buhay niya na si Janine Gutierrez.
Tsika diumanong si Janine at si Rodjun Cruz, kapatid ni Rayver, ang mga naging tulay ni Rayver para mag-ober da bakod. Pero pinasubalian naman ito ni Rayver sa pagsasabing hindi pa man daw sila close ni Janine ay option na raw talaga niyang magbalik-Kapuso. Dating child star si Rayver sa isang Kapuso children show noon kasama rin si Atom Araullo na nauna nang nagbalik-Kapuso.
Say pa rin ni Rayver nagkataon lang daw na nagkaroon ng katuparan ang ideya niyang balik-Kapuso ngayong close sila ni Janine. How true naman kaya ang tsikang malamang ang first guesting ni Rayver sa isang GMA7 show ay sa “Victor Magtanggol”? Request diumano ito ni Janine dahilan sa gustong-gusto raw nitong makasama sa work ang special friend niya?
KAPUSO ‘DI PROBLEMA KUNG GAWAN NG SERYE ANG BANAL NA UTOS
ANG dami ngayong nagtatanong kung sadya bang gagawan ng teleserye ng Kapuso Network ang lahat na mga nakasaad sa Ten Commandments? E kasi nga naman nagsimula sa “Ika 6 na Utos” na sadya namang kinagat ng husto ng masa at nagdala kay Ryza Cenon sa kasikatan, heto may “Ika 5 Utos” at sa direksiyon uli ni direk Laurice Guillen.
Say naman ng pamunuan ng GMA7, wala raw problema iyon na gawan nila ng teleserye ang lahat ng banal na utos. Bukod kasi sa hindi talaga nawawala ang tema nito sa totoong buhay ay kakapulutan din ito ng aral kung kaya open ang Kapuso Network sa ideyang ito. May tsika ngayon palang ay may ‘niluluto’ na ulit na isang teleserye ang Siyete na may kaugnayan sa banal na kau-tusan.
KEN CHAN MASISIRA KAYA ANG PAGIGING LOVELESS KAY ARRA SAN AGUSTIN
MATAGAL-tagal na ring loveless si Ken Chan and choice niya ito—-ang magpokus sa kanyang trabaho ang konsentrasyon ngayon ni Ken, lalo pa nga’t siya ang breadwinner ng kanyang pamilya at gumaganda na rin ang takbo ng kanyang showbiz career.
Sa pangalawang pagkakataon ay muling magbibida si Ken sa isang teleserye sa Siete, after “Destiny Rose” ay ang “My Special Tatay”. Sa naturang teleserye na mapanonood pagkatapos ng “The Step Daughters” ay makakasama ni Ken ang isa sa baguhang actress sa Siyete na crush na crush niya, si Arra San Agustin. Si Arra ang magiging leading lady ni Ken. Unang pagsasama nina Arra at Ken sa “The Cure” at mag-asawa ang kanilang role dito. At sa naturang teleserye din nagsimulang mapansin ni Ken ang kagandahan ni Arra. Ngayon ay magsasama na muli sila at mas maraming eksenang magkasama na sila.
Tsika masira kaya ni Ken ang pagiging loveless niya kay Arra? At dahil sa bagong-bago palang naman ang tinatakbo ng teleserye ng dalawa, malamang mas marami pang development na mangyayari sa dala-wa lalo pa nga’t pareho silang loveless.
Comments are closed.