HINDI pa sila pero nagdeklara na si Rayver Cruz na hihintayin niya ang singer na si Julie Anne San Jose kahit medyo matagalan ito.
Hindi pa raw kasi handa si Julie Anne at ang mga magulang nito na makipagrelasyon ang dalaga. Sa madaling sabi, hindi talaga siya ang dahilan ng split up nina Rayver at Janine Gutierrez. Sabagay, nilinaw naman ni Rayver na hindi third party ang dahilan ng paghihiwalay nila, at pareho naman silang walang sinasabing masama sa isa’t isa. Good luck na lang sa love life nyo.
ANNE CURTIS, JASMINE CURTIS SMITH NAKI-BONDING SA KANILANG BROTHER SA BOHOL
Bihirang mangyaring nagkakasama ngayon sina Anne Curtis, Jasmine Curtis-Smith at ang kapatid nilang si Thomas James kaya sinamantala nilang magbakasyon sa Panglao, Bohol.
Kasama rin sa Bohol ang anak ni Anne na si Dahlia at asawang si celebrity chef Erwan Heussaff kaya talagang bongga ang reunion.
Magiging busy na raw kasi si Anne dahil may nakahanda itong concert, ang “Luv-ANNE,” sa June 11.
GELLI DE BELEN NASABIK SA MGA ANAK, DUMALAW SA CANADA
Hindi masisisi si Gelli de Belen na ma-miss ang mga anak na sina Joaquin at Julio dahil nanay siya, kaya fly talaga siya papuntang Canada kung saan sila nag-aaral.
Surprise visit ito dahil matatagalan umano siya bago makabalik dahil magiging busy siya sa summer. Kahit kadadalaw nila ng asawang si Ariel Rivera sa mga bata noong December, at kahit nagbi-video call naman sila araw-araw, iba pa rin umano ang pakiramdam na nayayakap ni Gelli ang kanyang mga anak.
Noong 2019, nakaranas daw si Gelli ng sobrang kalungkutan at separation anxiety dahil nag-abroad ang kanyang mga anak para mag-aral.
EYE-MO ANG SALARIN KAYA UMURONG SI MICHELLE ALDANA SA BB. PILIPINAS NOONG 1993
Nilinaw ni actress-beauty queen Michelle Aldana na hindi si Ruffa Gutierrez ang dahilan kung bakit siya nag-back out sa Binibining Pilipinas noong 1993.
Si Michelle ay naging Mutya ng Pilipinas 1993 at nanalong Miss Asia Pacific 1993, habang si Ruffa naman ay naging Bb. Pilipinas-World 1993 at itinanghal na Miss World 1993 Second Princess.
Kung si Ruffa ay artista na bago sumabak sa beauty contest at aktibo pa rin ngayon, si Michelle naman ay nag-artista matapos maging beauty queen, ngunit hindi na aktibo ngayon.
Sabi ni Michelle, nag-back out siya sa Bb. Pilipinas dahil nakatanggap siya ng tawag sa EyeMo tv commercial that day. Matagal ang screening sa BbP kaya pumunta muna sila sa EyeMo at nang bumalik na sila ay tapos na ang screening. Pero blessing in disguise umano ito dahil nanalo siyang Mutya ng Pilipinas at naging Miss Asia Pacific pa noong 1993.
SOFIA ANDRES INSECURE SA KANYANG BEAUTY
Aminado si Sofia Andres na naikukumpara siya sa iba lalo na noong teenager pa lang siya at nagsisimula sa showbiz, dahil ang dami talagang maganda.
Insecure daw talaga siya noon dahil feeling niya, wala siyang maio-offer pa.
Pero naisip daw niya, kung makikinig siya sa pintas, wala siyang mararating kaya nagpursigi siya. Nakita raw naman niyang hindi siya pangit at may ibubuga naman kahit paano sa pag-arte, kaya doon siya tumutok. Finally, na-overcome daw niya ang kanyang insecurity.