IKINAGULAT ni Rayver Cruz ang pagkamatay ng kanyang pinsan na si TJ Cruz (panganay na anak nina Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti) last Wednesdsay, Nov. 21 dahil sa lymphatic cancer.
Sa interview kay Rayver ng press sa taping ng kanyang serye ay nasabi ng actor na wala raw siyang kaalam-alam na may malubhang karamdaman ang kanyang pinsan. Kaya laking gulat niya nang malaman na yumao na si TJ.
“Nagulat po talaga ako, kasi wala talaga akong kaaydi-idea,” say ni Rayver sa interview ng press.
Matagal na raw silang hindi nagkikitang magpinsan at hindi raw niya nahalatang may dinaramdam itong malubhang karamdaman kaya nagulat siya.
Madalas nga raw niya makita ang kapatid ni TJ na si Bodie sa gym pero wala naman daw itong nasasabi sa kanya.
Kaya daw pala wala na silang masyadong reunion na magpipinsan. Si TJ daw kasi ang madalas na nag-o-organize ng kanilang reunion.
“Siya (TJ) ‘yung laging nagse-set, siya ‘yung leader pagdating sa reunion ng mga magpipinsan. Saka ‘pag may gathering, siya talaga ‘yung unang nagsasabi, gumagawa ng group para matuloy.
“And sobrang bait niya, sobrang bait ng lahat ng anak ni Tito Pip, wala akong masabi,” aniya.
MR GAY WORLD WILBERT TOLENTINO BIKTIMA NG FAKE NEWS
AYAW na sanang sariwain ng ex-manager ni Mader Sitang na si Wilbert Tolentino, Mr Gay World Philippines 2009 ang mga pinagdaanan niyang hirap at panloloko sa kanya.
Sa launching ng online store na UBC Shopping is Helping ni Wilbert na ginanap last November 22 sa One 690, Roces Avenue, Quezon City, ayaw na isipin ang ginawa niya at tapos na raw ‘yung dinanas niya kay Mader Sitang.
“Closed chapter na ‘yun. Hindi magandang alaala ‘yun. Ibaon na natin sa limot,” nakangiting say ni Wilbert.
Tinanong si Wilbert kung kakasuhan ba niya si Mader Sitang sa ginawa nitong panloloko sa kanya?
“Wala na akong balak idemanda siya sa ating husgado dahil hindi na siya makapapasok sa ating bansa,” say ni Wilbert.
Aprubado na raw kasi ng Bureau of Immigration ang pagiging blacklisted ni Mader Sitang at pino-process na raw ang paglabas ng papeles.
Muling pinagdiinan ni Wilbert na isang fake news si Mader Sitang at panawagan niya na huwag maniwala sa fake news at hindi rin daw siya ang nagpasimuno na isang abogado si Mader Sitang at tumulong sa mga nasalanta ng Yolanda.
“Ako kasi ang tinuturo sa social media na ako raw ang nagpakalat na abogado siya, tumutulong sa Yolanda victims. Bago ko pa siya nahawakan, kumakalat na ganu’n nga na siya ay isang lawyer, which is hindi pala,” aniya.
Tanong kay Wilbert kung ano ang tingin niya kay Mader Sitang?
“Parang sindikato siya. Pinagtripan ako, eh. Parang naghahanap siya ng malaking isda na may kumuha sa kanya, which is isa ako sa nabiktima,” say pa ni Wilbert.
Paano kung humingi ng tawad si Mader Sitang? Patatawarin ba niya ito?
“Tama na. Ayoko na muling makaranas ng ganitong pangyayari sa buhay ko,” pahayag ni Mr Gay World Philippines 2009 Wilbert Tolentino.
Comments are closed.