RAZ SINGING CHERUBIM, WAGI SA HONG KONG

RAZ SINGING CHERUBIM

(Ni CT SARIGUMBA)

HINDI nga naman maitatanggi ang galing ng Pinoy. Saan mo man isabak, namumukod-tangi ang talento. May kanya-kanyang kakayahang nakapagbibigay ng karangalan, hindi lamang sa kani-kanilang pamilya kundi maging sa bansang Filipinas.

Hindi nga lang naman sa boksing nakikilala ang Filipinas, kundi sa maraming bagay.

Gaya na lang sa larangan ng kantahan. Hindi na mabilang ang mga indibiduwal o singer ang nagpakitang gilas sa ibang bansa at hinangaan hindi lamang ng ating mga kababayan kundi maging ng dayuhan.

Isa na namang grupo ang nag-uwi ng karangalan sa ­ating bansa sa ginanap na world youth choir competition noong ­Hulyo 13 hanggang 21 sa Tsuen Wan Town Hall sa Hong Kong—ang Raz Singing Cherubim. Nakamit ng grupo ang Gold Award.

Ang Raz Singing Cherubim ang representative ng bansa sa nasabing patimpalak.

Ang Raz Singing Cherubin ay isang singing group na binuo ng may-ari ng Raz Music and Arts School na si Alijah May Raquillo at ng composer and conductor na si Ro­naldo Raz.

Kinabibilangan ang grupo ng stellar voice students ng Raz Music and Arts School na may edad na 7 hanggang 16.

Pinili sila upang i-represent ang kanilang school sa iba’t ibang mall shows, recitals, concerts at festival sa loob at labas ng bansa.

Ang Pamaskong Augustino ang isa sa naging major performance ng grupo noong December 2017 na ginanap sa San Agustin Church sa Intramuros.

Naging matagumpay ang kanilang performance.

Nitong nagdaang July 2018 naman, nagkamit ang grupo ng 6 na golds, 5 silvers, at 1 bronze sa 6th Asia Arts Festival sa Singapore.

Sa 938 na participants sa nagmula sa 18 na bansa, ang Raz Singing Cherubim ang hinirang na Stars of Asia Arts Festival 2018.

Ilan pa sa mga naging performance ng grupo ay ang: Raz Singing Cherubim’s Ian Albert Magallona as “Young Simba”, sa Lion King Musical Singapore and Korea (2018-2019); bilang young Charlie sa Kinky Boost, Manila (2018); bilang Eric sa The Matilda Musical, Manila (2017); WBC 3rd Women’s Convention and WBC Asian Summit PICC Philippines (November 17, 2018); Sweetest Snow Village Performance sa SM City Trece, Martires (November 9, 2018); Jungle Safari Themed Performance sa SM City Dasmariñas Ca­vite (Agosto 8, 2018); Euro TV guesting, Manila (July 31, 2018); Courtesy visit and performance sa Philippine Embassy, Singapore (July 30, 2018); Asia Arts Festival Solo Voice and Small Group Category winners, Singapore (July 26-30); at Dsiney Cars Themed Christmas Tree Lighting, SM City Trece (November 16, 2017).

Kahit saan nga namang larangan ay may maipagmamalaki ang bawat Filipino. Hindi lamang din indibiduwal ang nagdadala ng karangalan sa bansa kundi maging ang iba’t ibang grupo gaya na nga lang ng Raz Singing Cherubim.

Comments are closed.