RBH7 pasado na sa Kamara

SA  gitna ng mariing pagtutol ng Department of Education (DepEd), ilang mambabatas kabilang ang Makabayan Bloc at ilang resource speakers sa panukalang pag -amyenda ng 1987 Constitution o Charter Change (Cha-cha), ipinasa pa rin ng Kamara ang Resolution of Both Houses (RBH) No.7 sa huling araw ng anim na araw na deliberation tungkol dito ang House Committee of the Whole nitong Miyerkoles, na tinawag ng mga naturang kontrang kongresista na kwestiyonable ang naging proseso.

Dagdag pa ng mga tumutol na mambabatas na ang pagpasa sa Committe of the Whole ng RBH7 ay depektibo ang proseso. Samantala, nakatakda naman mula sa Marso 11 hanggang 13 ang RBH 7 para sa second reading sa plenaryo ng Chamber. Target itong maaprubahan ng Kamara bago ang congressional break sa Marso 23.

Iginiit ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman na hindi mareresolba ng ganap ng pagbubukas ng basic educational institution sa foreign entities ang kakulangan ng mga guro at pasilidad ng paaralan.

Tinanong naman ng Constitution framer na si Christian Monsod kung mapagkakatiwalaan ba ang Kongreso na gawin ang tama kaugnay ng panukalang amyendahan ang Saligang Batas.

“The liberalization of basic education institution will not really solve the shortage of qualified teachers,”sabi ni Lagman.

Maraming hamon ngayon ang kinakaharap ng basic education ng bansa hindi lang sa kakulangan sa mga guro, silid aralan at iba pa.

Sa ikalimang araw na pagdinig ng House Committee of the Whole sa panukalang pag amyenda sa 1987 Constitution upang luwagan ang economic restrictions ng Saligang Batas sa basic education na tinutulan naman ng Department of Education (DepED) dahil aniya sa makakaapekto ito sa pagiging makabayan ng mga mag-aaral at maapektuhan ang curriculum na applicable lamang sa Pilipino.

Ipinahayag ni Lagman na hindi nito mareresolba ang mga nabanggit na suliranin.Sinang ayunan ito ng mga opisyal ng DepEd at mga grupo ng mga student organizations na tutol sa Cha-cha, lalo na sa kasalukuyang batas ay pinapayagan na magtayo ng paaralan ang mga international school sa basic education ay Filipino citizens.

“May we know, if we allow foreign equity in educational institutions, will this inflow of foreign capital solve the shortage of 159,000 classrooms in the Philippines?” sabi ni Lagman.

Ayon naman kay DepEd Legal and Legislative Undersecretary Omar Romero: “This will entail a lot of requirements logistically.I don’t think it will take a big impact in the near term.”

Samantala, sinabi naman ni 1987 Philippine Constitution Framer Atty. Christian Monsod, ang tanong nito kung mapagkakatiwalaan ba ang Kongreso na gawin ang tama kaugnay sa panukalang amyendahan ang Saligang Batas.

Ayon kay Monsod, hindi dapat ang Constitution ang sisihin sa hindi pagpasok ng mga foreign investment kung hindi ang katiwalian at bureaucracy.

“I am sorry to say that our Congress as in many occasions has been engaged in transactional legislation.So you can put to say when is this liberalized and so and so forth.But can we trust the Congress to do the right things?I am sorry to say,”sabi ni Monsod.

Kaugnay naman ng pangambang maapektuhan ang pagiging makabayan ng mga learner kung tuluyang aalisin ang restriction sa mga dayuhan sa basic educational institutions, iginiit ng ilang eksperto na maaring maglagay ng pamantayan ang pamahalaan kaugnay nito partikular na sa mga curriculum ng basic education.

“Maapektuhan kasi kung pababayaan na lamang ang mga dayuhan,Therefore , do not remove history.In fact, you might want to increase nationalistic subject.Pwede naman po yun as additional safeguard sa liberalization,” ani Dr.Robin Michael Garcia,Political Scientist,Public Affairs Adviser.

“Bubuksan din ng RBH No. 7 ang 100 percent ownership ang mga paaralan at unibersidad sa ating bansa,napakataas ng ating learning crisis.Kulang ang mga classroom, marami ring hindi nakakapag aral….So mas lalong lalala ang pagiging kolonyal, commercialized ng ating edukasyon.There is no need also to amend advertising and management considering na ang ad agencies blooming.Hindi mapipigilang pagtaas ng presyo ng bilihin lalala ang kawalan ng trabaho, matinding kahirapan,matinding kagutuman,mababang sahod,ito ang pangunahing kinakaharap ng mamamayang Pilipino.Bukas na ang ekonomiya ng Pillipinas sa foreign investment pero hindi ito naglikha ng industriya, nananatiling atrasado ang agrikultura.Hindi magdadala ng solusyon at tunay nap ag unlad ang Charter Change, bagkus magpapalala pa ito ng pagka atrasado ng ekonomiya,” sabi ni Brosas na tumutol din sa pagpasa ng Cha-cha. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia