NILAGDAAN kahapon ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na nag-aamyenda sa Agricultural Tariffication Act (ATA) upang higit na maging kumpetitibo ang rice industry ng bansa.
Ayon kay Presidente Marcos, layunin din ng batas na matiyak na magkakaroon ng matatag na access ang mga magsasaka sa resources na kinakailangan nila upang magtagumpay.
Sa kanyang talumpati sa isang seremonya sa Malacañan Palace, sinabi ni Presidente Marcos na ang batas na nag-aamyenda sa Republic Act 11203, o ang Rice Tariffication Law ay naglalayong palawigin ang pagpapatupad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2031 at taasan ang pagpopondo rito sa P30 billion mula P10 billion taon-taon.
“Through the RCEF, we have been able to invest in high-quality seeds, mechanization, and training for our farmers—ensuring that they are equipped with the right skills and tools to increase productivity. With the expiration of the original six-year plan for RCEF fast approaching, it became clear that we needed to extend and strengthen the program,” sabi ng Pangulo.
“This will enable us to do much more for our farmers, ensuring that they have the resources they need to succeed and to make the rice industry even more competitive,” dagdag pa niya.
Ang karagdagang pondo ay susuporta sa priority projects tulad ng training at extension services, financial assistance sa rice farmers na nagsasaka sa hanggang dalawang ektarya ng lupain, expanded rice credit assistance, composting facilities para sa biodegradable wastes, pest and disease management, soil health improvement, farming support programs on contract farming, at establishment of solar-powered irrigation systems.
Layon din ng batas na palakasin pa ang Seed Program at Mechanization Program na magkakaloob sa mga magsasaka ng access sa high-quality seeds upang palakasin ang kanilang mga ani.