RCLC ADOPT-A-SCHOOL PROGRAM

Bahagi ng Literacy Program ng Rotary Club of Lucena Circle, nagkaloob ang mga ito sa pangunguna nina Mr. Jestoni Oliveros, Pangulo, Nicksy Nicdao, District Governor Aid at Ms. Diza Alcala, Past President ng dalawang photocopier machine at iba pang kagamitang pampaaralan para sa mahigit na 300 mag – aaral na inaasahang papasok sa Camp Nakar Elementary School at East 8 Elementary School sa lungsod ng Lucena ngayong buwan ng Agosto.

Sa pahayag ng mga ito, ang ginawa nilang pamahagi ng nasabing kagamitan ay bilang pagkilala sa kahalagahan ng edukasyon at pagpapakita ng kanilang suporta sa programa ng pamahalaan at ng DepEd Brigada Eskwela.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Mrs. Loida Tabernilla, school principal ng nasabing paaralan at ni Mrs. Helen Bonayon, GPTA ng Camp Nakar ES ang mga miyembro ng RCLC dahil malaking tulong aniya ang nasabing mga gamit sa mga estudyante.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang mga kinatawan ng East 8 ES na sina Norman Ortiz at Diosa Rodriguez sa RCLC dahil sa mga ipinagkaloob na donasyon para sa kanilang paaralan.

Comments are closed.