MATAAS ang morale ngayon ng Revenue District Office No. 24 o ang Valenzuela Bureau of Internal Revenue (BIR) makaraang malampasan nila ang kanilang tax goal
Sa Certification of Recognition (COR) na natanggap ng Valenzuela BIR sa pangunguna nina RDO Rufo B. Ranario, ARDO Adora Ambo at CAS Januario M. Girang III, na pirmado nina Ma. Gracia Javier, Regional Director at V.C. Cadangen, Asst. Regional Director; na may petsang Enero 21, 2020, pinarangalan ng Regional Program on Rewards, Awards and Incentive for Service Excellence (PRAISE) Committe bilang 1st Top Revenue Disctric Office ang RDO No. 24.
Ang pagkilala sa Valenzuela BIR ay bunsod ng paglampas ng kanilang koleksyon sa target para sa December 2019.
Nakasaad sa COR na nakakolekta ang RDO No. 24 ng P34,476,583 na mataas ng P4,479,748 sa goal na P29,987,835.
Kinilala rin ng PRAISE Committe ang kahanga-hangang pagsisikap, kahusayan at pagiging epektibo sa kanilang pagganap para makamit at malampasan ang target tax collection.
Ang paggawad ng parangal ay isinagawa sa 1st Regional Staff Conference/Planning Session para ngayong taon (2020) sa Seda Vertis North, Quezon City. EUNICE C.
Comments are closed.