CAVITE – NAGHAIN kahapon ng kanyang kandidatura si incumbent Rosario Mayor Jose Voltaire V. Ricafrente sa ilalim ng Partido Lakas-Christian Muslim Democrats (LAKAS-CMD).
Bago ang filing ng COC, nagtungo muna ang alkalde kasama ang buong Team sa puntod ng yumaong ama na si dating Mayor Nonong Ricafrente.
Sinamahan ang alkalde ng kaniyang buong partido sa politika. kabilang na si Cong. Jolo Revilla, BM Rommel Enriquez, VM Bamm Gonzales, mga Konsehal at maraming taga-suporta.
Ang paghahain ng COC ni Ricafrente ay sinaksihan ni Jasmin Fernandez Gilera, Election Officer IV ng Comelec-Rosario.
SID SAMANIEGO